Bela, sa busan magso-shoot ng ididirek at pagbibidahang pelikula
May ididirek na pelikula sa Rein Entertainment Productions nina directors Lino Cayetano, Shugo Praico at Philip King si Bela Padilla.
At isa lang ito sa maraming nakalinyang proyekto ng Rein Entertainment sa 2025.
Target nilang umpisahan ang love story/romance/horror na pinamagatang Friday the 14 na partly ay kukunan pa sa Busan, South Korea, sa second quarter of 2025.
“In every project that we do, tinitingnan namin, ano ‘yung maaambag nu’ng collaboration so parang feeling namin, collaborating with Bela, sa’n kami magaling, ano rin ‘yung expertise namin. Parang doon nabuo ‘yung konsepto ng isang Korean-Filipino love story, pero it’s also a horror thriller, with a Rein twist,” impormasyon ni Direk Lino sa isang intimate Christmas chikahan.
Sa kasalukuyan ay naghahanap na sila ng mga Korean star na makasama ni Bela sa Friday the 14th pero iba raw ang approach nila rito kesa sa naunang pelikula rin ni Bela na Korean actor ang kanyang ka-partner, ang Ultimate Oppa, na si Yoo Min Gon.
Meron silang co-producer/partner sa pelikula na iaanunsyo nila very soon pero unnamed pa at ayaw pang sabihin sa amin.
“Ano rin, malaking studio rin. Bela will direct and act pero we are doing the creatives with her. Babae rin na magaling ‘yung nagsusulat, si Aica (writer ng Rein), then they’re doing creative supervision.”
Kabilang nga ang Friday the 14th sa mabibigat na proyekto ng Rein Entertainment Productions para sa 2025 na pangungunahan ng pelikulang Caretakers nina Iza Calzado at Dimples Romana sa first quarter ng bagong taon.
- Latest