^

PSN Showbiz

Deped umayuda na kay Yasmien

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Deped umayuda na kay Yasmien
Yasmien Kurdi

Bongga naman na mabilis ang aksyon ni Sec. Sonny Angara ng Department of Education sa pambu-bully sa anak ni Yasmien Kurdi.

Hindi maganda ang pagbu-bully lalo na sa katulad ni Ayesha na 12 years old lang.

Kaya naman taos-pusong pasasalamat ang post ni Yasmien sa bawat isa sa inyo na nagpaabot upang ibahagi ang mga kuwento tungkol sa mga anak din nila na nahaharap sa pambu-bully.

Napakahalaga raw sa kanya ng suporta ng lahat at sabi pa ni Yasmien, ito ay isang paalala sa mga hamon na kinakaharap ng maraming pamilya

Ngayong Huwebes siya makikipagpulong Kay Sec. Angara upang talakayin ang mga potensyal na solusyon at strategy na maaari raw nating ipatupad upang matugunan ang bullying sa ating mga paaralan.

Thank you, Sec. Angara. Nawa’y matulungan mo ang lahat ng mga kabataan na nakakaranas ng bullying.

Janine, nagpaliwanag sa body shamer

Hindi pinalagpas ni Janine Gutierrez ang komento ng basher tungkol sa kanyang katawan sa pagiging Calendar Girl ng isang alak.

Sinabi ng basher na grabe raw ang pagkaka-edit at napakanipis daw nito sa mga litrato niya pero ang taba raw nito noong launching.

Hindi nga nakapagpigil ang anak ni Lotlot de Leon at sinagot ang basher.

Gets naman daw niya kung bakit ito nakakalito at ipinaliwanag na kinunan ito noong buwan ng October at ni-launch noong December.

Sa loob daw ng dalawang buwan na iyon ay pumunta siya ng Japan para sa film festival kung saan siya um-attend sa mga thanksgi­ving parties para sa show nila. Natural na merong kainan sa mga party na iyon.

Kaya nag-break daw siya sa kanyang strict diet at workout. Sinasadya raw niyang gawin ito tuwing holidays at ine-enjoy niya ang katawan niya sa iba’t ibang hugis.

Sinabi pa nitong sana ganun din ang basher.

Depensa naman ng mga tagahanga niya ay makikita pa lang sa videos nito ang difference na hindi ito edited at iyon ang nagpapatunay na sexy naman talaga si Janine.

Wala naman daw talagang duda na maganda ito na pang-beauty queen ang ganda. Inggit lang daw talaga ang basher lalo na ngayon na nali-link siya kay Jericho Rosales.

‘Kaloka.

ACTRESS

YASMIEN KURDI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with