Beauty sanay maghubad ‘pag ipinipinta, hindi naniniwala sa insurance
Hindi naniniwala sa ‘insurance’ si Beauty Gonzalez.
Kahit risky ang mga eksena ng ginagampanan niyang papel sa pelikula o TV series tulad ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, hindi siya insured.
Basta hindi lang daw siya bilib sa ganun.
Tulad nga rito sa Matigas…, may underwater scenes sila ni Sen. Bong Revilla na nasa loob ng kotse. “Kailangan bumaba si Sen. para saklolohin ako. You have to have presence in mind but I wasn’t scared kasi I know we have safety divers around us. But syempre, sasakyan ‘yun, ‘yung mga tetanus pa. Ayaw mo magkasugat-sugat. ‘Yung presence of mind lang ba and, syempre, senador ‘yan, baka ginoo ko, ma-senate hearing ako ‘pag nalunod ‘yan. Hindi natin kaya, ‘di ba? So, talagang presence of mind and a lot of prayers. And, awa ng Diyos, pati nga ‘yung director (Enzo Williams) namin biglang nag-blocking na rin sa underwater para lang masigurado,” pag-aalala ni Beauty sa isa sa mga pasabog na eksena nila ni Sen. Bong Revilla sa Season 3 ng Walang Matigas na Pulis…
At dun pinag-usapan ang insurance. “Hindi naman ako naniniwala sa insurance at wala akong insurance.”
Bakit? “I just don’t like insurance. Wala lang, hindi lang ako nag-i-insurance. If I die, I die.”
Really? “Well, my husband can sell all my paintings if he likes.”
So, ‘yun ang investment mo talaga? “Yeah, my investment is make memories, not dreams.”
Eh ang tagal pala nung eksenang ‘yun.
“We were there for four hours. My God, naging prunes na ‘yung kamay ko at lamig. Pero, we had so much fun. ‘Yung adrenaline rush, hindi mo na rin mararamdaman ‘yung pagod. ‘Yung iniisip ko lang talaga, safe si Sen, safety lahat ng tao,” dagdag pa ng actress na isang designer na rin bukod nga sa pagiging collector ng painting.
Seven weeks mapapanood ang Walang Matigas… sa GMA 7 starting Dec. 22, 7:30 p.m.
“Ang bilis lang ng seven weeks. Ang saya-saya, sana hindi ninyo malagpasan, every week may pasabog.”
At nagpapasalamat siya sa mister, ang art curator na si Norman Crisologo, na suportado ang kanyang career.
“Sabi ko nga sa asawa ko, thank you kasi pinapayagan mo kong magganito. What a life, pagtanda ko, ang dami kong babalikan na… nagawa ko ito, ginawa ko ‘to.”
Samantala, magiging busy ang 2025 ng actress. “I’m gonna start another film next year. And then, I’m doing Prinsesa ng City Jail and I’m writing my own screenplay.”
At possible rin na siya ang magdirek ng ginagawang screenplay. “It’s gonna be for a movie. Maybe, I would direct.”
Possible rin na siya ang producer. “Gawin ko muna ‘yung script.”
Drama raw ang genre nito.
Ano ang inspiration mo sa screenplay? “My inspiration is something breathless.”
Pero wala raw siyang formal training sa screen writing.
“It’s just that I just have a concept, and, you know, when you have a concept, you just need to have good writers. So, I’m still looking for writers; I’m just doing a stopover. I mean, bilang miss utosera naman ako, hindi ko naman kaya magsulat ng script saka ‘yung Tagalog.”
Para naman sa aktres, hindi magandang pinag-uusapan ang tungkol sa mga koleksyon niya ng painting at maging ang mga pinipinta niya. “When you talk about your own art, nagiging cheap na,” katwiran niya.
At may collection din siya ng nude paintaings niya. Ang ilan ay gawa ng mister niyang artist din.
At ang iba ay pininta ng mga kilalang artist sa bansa.
Pero for their eyes only lang at hindi niya pwedeng ipakita sa iba.
At comfortable aniya siyang ipinta na hubad. Ang katwiran niya ‘pag naging uncomfortable siya, dun nagkakaroon ng malisya.
At siya rin mismo ay nagpipinta. “Yeah, nagpi-paint ako but it’s just for myself. I don’t like talking about my art,” sabi niya pa.
Samantala, maaalalang inamin ni Beauty kay Kuya Boy Abunda ang tungkol sa generational trauma na dinadala niya mula sa naranasang karahasan sa kanilang tahanan.
Sa isang episode ng Fast Talk With Boy Abunda, binalikan ng King of Talk ang nakaraang pahayag ni Beauty, kung saan ikinuwento niya ang mga pagsisikap niyang tapusin ang cycle sa anak niyang si Olivia.
Nang tanungin kung anong uri ng karahasan ang naranasan niya noon, verbal man o pisikal, sinabi ni Beauty, “Lahat.”
Gayunpaman, sinabi niya na hindi ito kasalanan ng kanyang ina at napatawad na niya ito.
Kumusta na siya, o ang mommy niya sa kasalukuyan? “She’s still matinik. And matigas. You know what? I love her.”
At positibo ang sagot niya na kung hindi naman dahil sa ina, wala siya ngayon. “It wouldn’t be me and her if walang something. Wala, hayaan mo na. Basta ganun pa rin. Whatever happens, I love her. Kahit ano, kahit ayaw niya akong kausapin, I love her. Mama, I love you. Hindi mo ako mapapaalis.”
Pero ayaw niyang magbigay ng detalye sa mga nangyari. “Well, I don’t know. I cannot explain.”
Masasabi ba niya na isa siyang battered child? “No, hindi naman. Lahat naman kaming magkapatid. Hindi lang naman ako. Lahat naman and there’s a reason.
“But you know, those are things in the past. Why focus in the past? We’ll focus nalang on the future and everything will pass. I mean this time, I know naman na malakas pa siya eh. You know when malakas pa, huwag mo munang patulan. Lalaban pa. Darating din ‘yung time na mapapagod na rin siya,” sabi pa ni Beauty.
Basta ngayon daw hindi na niya binibilang ang edad ng ina. “Basta nandito lang ako para sa kanya.”
Anyway, sa Sagada magpa-Pasko at Bagong Taon si Beauty kasama ang mister at anak. Two weeks daw silang maglalagi sa Sagada.
- Latest