Mr. Pure energy, nabulag at nawalan ng hininga ng ilang beses
Samantala, aside from Gary V., ang tagal din naming naka-chika si Angeli Valenciano.
Andami niyang kuwento tungkol sa mister na isang ‘himala’ ang buhay sa rami ng mga pinagdaanang medical challenges.
Naalala ni Angeli na may pagkakataong akala niya ay wala nang buhay ang mister dahil hindi na ito gumagalaw.
Dahil hindi naman daw niyang kayang buhatin at isugod sa hospital, umiyak siya at kinantahan na lang ng Christian song hanggang muli itong nagkamalay.
Minsan nga, pag-amin pa ni Angeli, gusto na niyang sumuko, pero hindi niya kayang gawin.
Maaalalang noong 2018 ay nagkaroon ng open-heart surgery si Gary at kalaunan ay na-diagnose na may cancer sa bato.
Bukod pa ‘yun sa kanyang laban sa diabetes na panghabambuhay na kondisyon.
Ilang beses na ring parang nawalan na ng lakas ang mister pero muling nakaka-recover.
Meron pang pagkakaton na kinarga si Gary ng kanyang road manager mula sa third floor ng isang hotel pababa sa lobby kung saan nandun ang paramedic.
Nawawalan ng lakas si Gary sa tuwing nagkakaroon siya hypoglycemia na isang kondisyon kung saan ang antas ng sugar sa dugo (glucose) ay mas mababa kaysa sa karaniwang bilang.
Meron pa raw pagkakataon na nabulag si Gary V. pero ilang segundo lang.
Pero hindi makikita ang kanyang nararanasan sa tuwing nasa stage na ang OPM icon at humahataw.
Kaya masasabing tunay na isang buhay himala ang isang Gary V.
- Latest