^

PSN Showbiz

Ate Vi: Woman, Artist, Icon

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Lumaki ako sa bahay ng mga Vilmanian. Nandyan ang mommy ko, lola at mga tiyahin. (kaya Vilmanian din ako!) Naalala ko dati tuwing Biyernes, nakatutok kami sa variety show niyang Vilma. (‘yung may mga giant kumot sa opening number na pakana ni Maribeth Bichara!) Pumipila rin kami sa sinehan ‘pag may pelikula sya. (uso pa ‘yung pwede umupo sa hagdan ‘pag wala nang maupuan!) Nung maging radio jock at host na ko, ang kauna-unahan kong event hosting gig ay ang media conference ni Star for all Seasons Vilma Santos para sa isang milk brand. (‘yung may bear!)

Kaya fly talaga ako nitong nakaraang buwan sa alma mater kong University of Santo Tomas nang magpaandar sila ng series of screenings ng mga digitally restored mo-vies ni Ate Vi. (maraming Thomasian ang Vilmanian!) Tinawag nila itong Woman, Artist, Icon, A Retrospective. Tampok dito ang mga pelikulang Tagos ng Dugo, Bata Bata Paano Ka Ginawa?, Dekada 70 at Ekstra. (lahat ‘yan napanuod ko ha!) Ito ay bilang paghahanda sa tatlong librong ilulunsad ni Ate Vi next year na ilalathala ng UST Publishing House. (tatlo agad parang I love you…lucky!)

Isa sa personal na pinuntahan ni Ate Vi ang pagpapalabas ng Dekada 70. Nagpaunlak pa sya ng Q and A para sa mga estudyante at media friends. (in fairness kay ate Vi, daming energy sa pagsagot, dinaig ang power ni Darna!)

“Nung nanunuod ako, naka-focus ako. ‘Yung mga dialogue, parang ngayon ko lang naa-absorb na ang ganda pala ng mga dialogue sa movie na ito. Very relevant. ‘Yang mga ganyang pelikula, kahit ipalabas mo ngayon, sa generation na ito, I think they will appreciate this kind of movie. Kaya I’m proud na naging bahagi ako nito,” paglalahad ni Ate Vi.

Maliban sa dekalidad na mga pelikula, ‘di rin matatawaran ang kanyang pagganap. Ilang beses na syang naka-grand slam ng best actress award mula sa lahat ng awarding giving bodies sa iba’t ibang taon. Kaya naman, dapat talagang abangan ang mga lalabas nyang libro. (pakyawin na ‘yan mga ateng!)

“Nabubuo pa lalo ‘yung pagkatao mo. At the end of the day, the magic word is legacy. Kasi ‘yung kabuuan ng pagkatao mo, ‘yun ang pinaka-importante na naibahagi mo, lalo na kapag nagkakaedad ka na,” pagpapaliwanag ni Ate Vi. (kaya dapat go na talaga sa pagiging National Artist!)

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagbulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com

VILMANIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with