Kuya Kim, may wish sa Showtime
Ganun pa rin ang sagot mula sa mga taga-GMA7 kaugnay sa pangungulit namin sa renewal sa kanila ng It’s Showtime.
Hanggang sa pagpa-follow up namin kahapon ay under negotiation pa rin daw sila.
Ongoing pa rin daw ang negotiation sabi ng Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes.
Ang isa raw sa dahilan kung bakit nade-delay ito ay ang data ng buwan ng November na last week lang daw nila nakuha. Kaya ‘pag nakuha raw ang data ng November, saka raw sila babalik para ituloy ang negotiation.
Pero hanggang end of December na lang ang kontrata ng naturang noontime show nina Vice Ganda, kaya dapat sa January 2025 ay malinaw na kung anong programa ang mapapanood natin sa tanghali.
Tamang-tama namang humarap si Kim Atienza sa ilang miyembro ng entertainment media kahapon nang mag-renew siya ng kontrata niya bilang endorser ng Sante Barley na ini-endorse niya for 13 years.
Safe at diniretso agad kami ni Kuya Kim tungkol sa posibleng pagpapalit ng TiktoClock niya sa timeslot ng It’s Showtime.
Aniya, “As far as TiktoClock is concerned, ang TiktoClock is we do our best everyday. Siguro kaya nasasabi na kami ang papalit, etc dahil ‘yung itsura ng show, parang noontime ang dating e. Kasi variety show siya e.
“We know that everything is under negotiation, our bosses are talking. The bosses of ABS, the bosses of GMA are talking. Everything is under negotiation. In us in TiktoClock we don’t know how the negotiations are. We wish the best for everyone and for the television. Hindi namin alam.”
Ang ganda pa naman ng title ng bagong show ni Kuya Kim na Ang Dami Mong Alam, Kuya Kim. Pero pagdating dito sa isyu ng It’s Showtime at ang sa TiktoClock, wala muna siyang alam.
Happy lang siya sa magaganda niyang shows sa GMA 7 at tuluy-tuloy pa rin ang mga endorsement na ipinagkatiwala sa kanya.
Isa na nga rito ang Sante Barley na naging bahagi na ng daily routine niya, at ito na ang isa sa maintenance niya sa katawan kasama ang exercise.
Lorna, happy kay Sen. Lito?!
Sobrang safe rin si Lorna Tolentino sa pagsagot kapag tungkol sa lovelife ang tanong sa kanya.
Patuloy pa ring pinag-uusapan ang tungkol sa kanila ni Sen. Lito Lapid dahil sa PriManda tandem nila sa Ang Batang Quiapo.
“Matatapos na kami sa Batang Quiapo, kaya matatapos din ‘yung loveteam,” pakli ni Lorna sa nakaraang mediacon ng Metro Manila Film Festival entry nila ni Judy Ann Santos na Espantaho.
Pinu-push pa rin sa kanya ng ilang movie press ang tungkol sa kanyang lovelife.
Meron nga bang nagpapasaya sa kanyang puso ngayon? “Okay lang po ako, maligaya po ako. Ang importante happy po sa lahat ng bagay. Happy po sa blessings, happy po sa graces na binibigay. Marami. Tapos may dalawang offer, maraming salamat for 2025.
“Ang inuuna siyempre mahalin mo ‘yung sarili mo, ‘yun ang importante. Kasi, kapag mahal mo ‘yung sarili mo, lahat ng magagandang bagay ‘yun lang ‘yung gusto mo,” sabi pa ng grand slam queen.
Ngayong matatapos na ang PriManda tandem, tinanong pa rin siya kung masusundan ba ang friendship nila ni Sen. Lapid.
“Ang dami kong friends na senator, saan tayo magsisimula. Gusto mo kamag-anak pa meron din.
“Maraming nagmamahal, maraming tumutulong, kasi marami ring naging kaibigan si Daboy (Rudy Fernandez). Marami siyang naitanim na kabutihan dun sa mga tao sa showbiz na nagmamahal pa rin sa kanya, na nae-extend sa amin na pamilya niya. ‘Yun ‘yung isa pang malaking blessing din,” safe pa ring sagot ni Lorna T.
Nagpapasalamat na rin siya kay Ms. Vilma Santos na hindi nito itinuloy ang Espantaho, kaya napunta sa kanya.
Sobra niyang na-enjoy ang bonding nila nina Judy Ann, Chanda Romero at iba pang co-stars nila rito sa Espantaho na isa sa aabangan natin sa darating na Metro Manila Film Festival.
- Latest