^

PSN Showbiz

Juday, naglabas ng pera sa espantaho!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Juday, naglabas ng pera sa espantaho!
Judy Ann Santos

Confirmed na naglabas ng pera si Judy Ann Santos sa pelikulang Espantaho.

Yup, tatlo ang producer ng pelikula na comeback ng actress sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ito mismo ang kuwento ni Atty. Joji Alonzo ng Quantum Films sa ginanap na media conference kahapon ng pelikula.

Ang isa pang producer nito ay si Pandi Bulacan Mayor Enrico Roque (Cine Cinco).

“I offered to her (Juday), actually, kasi she’s produced before and I just thought that since ang laki naman ng contribution niya sa pelikula, baka lang sakali magka-interes din siya,” sabi ni Atty. Joji.

“I think it’s something good for an artist, kasi nabibigyan sila ng chance,” dagdag pa ni Atty. Joji.

Samantala, gets naman ni Juday ang  pagtanggi ni Star for All Seasons Vilma Santos sa Espantaho na first time sanang mangyayari.

Lorna Tolentino

“Feeling ko naman, everything happens for a reason. Ang importante, natuloy ang pelikula at natapos, nabuo. Again. Maaaring hindi ito ‘yung time na magsama kami ni Ate Vi. I mean, naniniwala ako na darating ang panahon na may perfect project for us,” pahayag ni Juday.

Ngayon ay magsasalpukan ang movie nila, Uninvited, habang si Lorna Tolentino naman ang pumalit kay Ate Vi. “Naniniwala naman din ako sa explanation ni Ate Vi. Gets na gets ko, so there’s really nothing to… walang comparison,” sabi pa actress kahapon.

Atty. Joji Alonzo

Maalalang sinagot ni Ate Vi sa presscon ng Uninvited kung bakit ito ang mas pinili niya kesa Espantaho.  “Sa akin naman, kung kanino nag-land ‘yung role, ibig sabihin, siya ‘yung perfect sa role, ‘di ba?

“And when I saw the trailer of Uninvited, ‘ay, oo nga, tama ‘yung desisyon ni Ate Vi.’ Napakaganda ng ano, ng trailer. Ang intense ng character niya and I think, as an actor, naiintindihan ko siya. Naiintindihan ko kung bakit naging ganu’n ‘yung desisyon niya.”

Samantala, ngayon nga lang natuloy ang pagsasama nila ni Direk Chito Rono na noon pa sana nangyari. Kay Juday originally ang pelikulang Feng Shui na nagpasikat ni Kris Aquino.

Kaya naman ito na raw ang katuparan ng kanyang pangako noon pa sa mahusay na direktor na gagawa siya ng horror.

Kaya game kaagad siya. Go agad kahit hindi pa niya alam ang kuwento nito. “Hindi mo kailangang malaman kung ano ‘yung synopsis ng isang pelikula o isang proyekto kung malaki ang tiwala mo. May foundation ang pelikula, eh. So, sila ‘yun – Atty.Joji, Direk Chito and Chris (Martinez - writer),” sabi pa ni Juday.

Bukod kina Juday and LT, kasama rin sa Espantaho  sina Eugene Domingo, Chanda Romero, Janice de Belen, Mon Confiado, Nico Antonio and Tommy Abuel, ang many more.

Showing na ito simula Dec. 25.

MMFF50, umaasang aabot sa P2 bilyon ang kita?!

Ang sipag ni MMDA / MMFF Chairman Don Artes.

Dinaluhan niya ang mga media conference ng 10 official entries ng 50th anniversary ng Metro Manila Film Festival.

Kaya naging familiar talaga siya sa entertainment media to the point na nakikipag-joke na siya.

At nagbibigay ‘yun ng malaking moral support sa mga movie producer na all out ang ginagawang paghahanda sa pag-uumpisa ng MMFF sa Pasko, December 25.

Ang usap-usapan, walang nagtipid na producer, lahat ay talagang itinodo ang gastos. (Special mention sa Mentorque Productions ng Uninvited na may private plane upang makapag-ikot sa maraming lugar at mai-promote ang pelikula.)

Maalalang pinakamalaki sa kasaysayan ang kinita ng MMFF 2023, lampas P1B. At pakiramdam ni Chair Artes ay malalampasan ito ng 50th MMFF. “Well, I’m crossing my fingers na malagpasan. Hoping ako. Hoping,” positibong pahayag ni Chair Artes sa mga kausap na press.

Masasabing masigla na ulit ang takilya lalo na at mahigit ding isang bilyon ang kinita ng reunion movie nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na Hello, Love, Again na highest-grossing Filipino film of all time na sa kasaluyan.

“Pero sana after this 50th edition, mag-spill over na — ‘yung mga pelikulang Pilipino na ipinalalabas sa sinehan ay tauhin din at kumita para mas marami pang maengganyo na gumawa ng mga de kalidad na pelikula na talaga namang tatangkilikin ng ating mga kababayan,” pahayag pa niya na ang tinutukoy ay ang ibang pelikulang Tagalog na hindi tinatao sa mga sinehan.

Aabot  sa more than 900 theaters ang pagpapalabasan ng 10 official entries ng #MMFF50 kumpara noong nakaraang taon na more than 800 theaters lang kaya’t dito pa lang ay malaki na ang posibilidad na magkatotoo ang sinabi ni Atty. Artes.

Siniguro rin niyang walang magaganap na price increase sa presyo ng movie tickets.

Samantala, malaking showbiz event ang magaganap sa December 15, Linggo, ang Konsyerto sa Palasyo para sa Pelikulang Pilipino, na mag-uumpisa ng 6:00 P.M. sa Kalayaan Grounds ng Malacañang Palace, Manila.

Dadaluhan ito Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

At maraming mga bida ng MMFF movies ang kumpirmdong dadalo. “Yes! In fact lahat ng major stars except for two ang a-attend. Almost a hundred stars, producers, directors, screenwriters ay nag-confirm na pupunta sa Konsyerto sa Palasyo,” sabi pa ni Atty. Artes.

This time aniya ay mas malaki at mas kumpleto ang stars ng mga pelikula na ang comparison ay nung  inauguration ng MMFF Auditorium sa New MMDA Bldg., Julia Vargas Ave., Pasig City.

Nauna na ring ginanap ang #MMFF50 Grand Media & Fan Con noong nakaraang Biyernes sa Gateway Mall.

Kabilang sa sampung pelikula sa MMFF ang My Future You, Uninvited, Topakk, Hold Me Close, Espantaho, And The Breadwinners Is..., Green Bones, Strange Frequencies : Taiwan Killer Hospital, Himala : Isang Musikal at The Kingdon.

Parang reunion ang ilang eksena sa #MMFF50 Grand Media & Fan Con!

Nagkita-kita ang familiar faces na kasama sa mga bigating cast ng mga #MMFF2024 official entries at lahat ng pelikula ay may representatives din.

Sina Mark Rivera and Sid Lucero ang dumalo para sa The Kingdom.

Habang present sina Ricky Lee, Dennis Trillo and Sofia Pablo na nag-imbita para panoorin ang pelikula nilang Green Bones.

Ramdam na na-miss ng fans si Judy Ann Santos na dumalo kasama sina Eugene Domingo and Chanda Romero upang ibahagi ang kanilang excitement sa horror film nilang Espantaho.

Magkasama naman si Carlo Aquino and Direk Jason Paul Laxamana na proud sa pelikula nilang Hold Me Close.

Nag-imbita rin sina Sylvia Sanchez and Sid Lucero para sa pelikula nila Topakk na may dalawang rating sa MTRCB.

Magkakasama sina Jane De Leon, MJ Lastimosa, Alexa Miro at Rob Gomez upang sabihin na iba ang kosepto ng pelikulang Strange Frequencies.

Habang sina Gladys Reyes, Eugene Domingo at Direk Jun Lana ang nag-iimbita na panoorin ang And The Breadwinner is...

Sina Seth Fedelin, Francine Diaz, Direk Cris Aquino at Roselle Monteverde ng My Future You ang nakisaya habang sina Direk Pepe Diokno at Ricky Lee ng Isang Himala, ang nag-imbita na panoorin sila. At sina Elijah Canlas, Mylene Dizon, Direk Dan Villegas at Bryan Dy ng Uninvited ay nagpaulan ng pekeng peso bills kapalit ng cash prizes.

ACTRESS

JUDY ANN SANTOS

LORNA TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with