Iza, balik-kapuso na?
Nakagawa nang muli ng isang pelikula si Iza Calzado. Kabilang ang aktres sa ‘Green Bones’ na pinagbibidahan nina Dennis Trillo at Ruru Madrid. Isa ito sa mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival 2024 ngayong Kapaskuhan. “I read it as a script. When I said yes to it, I said yes because it was a good script, regardless of who was producing it. So yes, ito po pala ang aking pagbabalik sa GMA,” nakangiting pahayag ni Iza.
Matatandaang maraming proyekto ang nagawa noon ng aktres sa GMA Network sa loob ng sampung taon. Lumipat si Iza sa bakuran ng ABS-CBN noong 2012 at sunud-sunod din halos ang naging proyekto ng aktres sa Kapamilya network. Nanumbalik umano ang mga alaala ni Iza dahil sa paggawa ng naturang MMFF entry mula sa GMA Pictures. “It felt so familiar but also new. It brought me back to my twenties. Sila pa rin ‘yung nakikita ko. I looked at them and I thought to myself, ‘Wow! We’ve been through so much and we’re still here. Thank you, Lord.’ It’s so nice to work with everybody. I wish I had more scenes with them. But I didn’t really have as many,” kwento niya.
Pansamantalang nagpahinga si Iza sa pagtatrabaho nang ipagbuntis ang anak na si Deia noong 2022. Magtutuluy-tuloy na nga ba ang pagbabalik ng aktres sa Kapuso Network? “My daughter’s network, that is the Deia Network. I am a mother, first and foremost. And in this season of life, I do not know what life has in store for me. So, I will always say yes when the project feels right for me,” makahulugang pahayag ng aktres.
Alden, limang scholars na ang napagtapos
Hindi man nakapagtapos ng kanyang pag-aaral ay layunin naman ni Alden Richards na makatulong sa ilang kabataang nagnanais makapagtapos ng kolehiyo. Itinatag ng Kapuso actor ang AR Foundation, Inc. noong 2021 upangmakatulong sa pag-aaral ng ilang mga nangangailangan. “I wasn’t able to finish school myself so parang the reason why I decided to put up a foundation for education is to break a certain cycle in the lives of kids. Basically, Filipino kids who are struggling with school. That’s why I put up a foundation is to make these kids fulfill their dreams and let them know that there is extended help na pwedeng makatulong sa kanila. May it be for allowance, or ‘yung actual tuition fees or kung ano man ang pwedeng maitulong sa kanila. It’s for the main reason of changing their lives and breaking the cycle na ‘pag walang mahingan, titigil na lang. That’s a certain cycle that I didn’t want them to experience kasi dumating din ako sa gano’ng point in my life. So that’s the reason for this foundation,” pagbabahagi ni Alden sa BRGY show ni Bianca Gonzalez.
Para sa binata ay talagang malaking bahagi ng pag-aaral ng isang tao ang aspetong pinansyal. “Sinasabi nila na parang hindi hadlang ang kahirapan sa edukasyon. But actually, it is a hindrance because hindi enough ‘yung passion mo, hindi enough ‘yung dreams mo for you to be able to fulfill and finish school. There are certain factors pa rin talaga in our society also when it comes to education that requires funding, that requires money. Kasi ‘pag papaasok ka sa school siyempre may pamasahe ka, siyempre you need to pay for school projects as well and ‘yung other necessities,” paliwanag ng Kapuso actor.
Sa ngayon ay mayroon ng limang scholars ang nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa tulong ng foundation ni Alden. Para sa aktor ay masarap sa pakiramdam na maraming kabataan ang unti-unti nang natutupad ang mga pinangarap lamang noon. “More than enough na I’m able to see them fly and graduate. That’s more than a fulfillment para sa akin. Ang maganda kasi with all the other scholars, even natapos na sila, they come back to us and ask us ano ‘yung pwede nilang maitulong. Because that’s what I’ve been telling them, pay it forward. And if I’m doing this to you guys right now, I want you to be that person also to help and to give back to the people who are in need,” paglalahad ng binata. — Reports from JCC
- Latest