Jose at Jowa, nakahanda na ang beach wedding
BIYUDO na si Jose Manalo kaya naman may karapatan na siyang mag-asawa muli at ang matagal na niyang partner na si Mergene Maranan ang pakakasalan niya ngayong buwan ng Disyembre.
Lumabas na sa social media ang engagement at pre-nup shoots nina Jose at Mergene. Sa pagkaalam namin, ginanap ito sa Canada nung buwan ng Abril kung saan nagkaroon ng show si Jose kasama si Wally.
Dating member ng grupong EB Babes si Mergene. Sa Bulaga nagsimula ang love story nila pero that time, nasa annulment stage ang kasal niya sa unang asawa na si Ana Lyn kung saan anak nila ang nasa showbiz ding sina Nico at Benj Manalo.
Meron nang dalawang anak sina Jose at Mergene. May ampon silang lalaki na binata na anak ng malapit kay Mergene.
Alam na namin kung saan at kailan ang kasal nina Jose at Mergene. Basta beach wedding ang magaganap sa kanila.
“Good provider si Jose. Deserve siyang magkaroon uli ng asawa,” sey ng manager ni Jose na si Joel Roslin.
Anthony, sumikat kay Maris
NA-IN love sa isa’t isa sina Maris Racal at Anthony Jennings. Bawal ba ‘yun?
Eh madalas magkasama sa series,at loveteam, maiiwasan bang magkagustuhan? Tao lang sila, ‘no?
Nakakatulong si Maris kay Anthony lalo na pagdating sa kanyang career, huh! Makikilala ba siyang isang Anthony Jennings kung hindi dahil kay Maris?
Eh may nagawa ba ang dating GF ni Anthony para umangat ang career ng dating BF? Wala, di ba?
Hindi na bago ang kuwento ng magka-loveteam na nagkakagustuhan. Minsan, nagkakatuluyan pa nga.
Saka kahit sabihing cheater si Anthony, siya lang ba ang naging cheater?
Naku, 2024 na kaya huwag kayong epal at sawsaw!
- Latest