Bea, mahirap pakibagayan?!
Tanggap na raw ni Bea Alonzo ang kanyang single era.
Ayaw na raw niyang i-pressure ang sarili sa kahit ano. Hindi raw kasi marriage ang laging endgame ng lahat. Katwiran niya, iba-iba ang landas at kapalaran ng bawat isa.
Pero kung mangyari man daw na ang itinutukoy ay makasal siya, magiging masaya raw siya pero hindi raw ibig sabihin no’n ay sisisihin niya ang sarili kung hindi mangyari iyon.
Sey naman ng ibang netizen ay laging ganito raw ang aktres pero baka meron naman na raw itong dine-date.
Maaalalang na-engage ang Widows’ War actress kay Dominic Roque na nali-link na ngayon kay Sue Ramirez.
Well, baka naman overacting si Bea sa lalaking hinahanap niya o masyado siyang mahirap pakibagayan kaya ganyan ang kapalaran niya noh.
Hmmppp.
Pagbubuntis ni Megan, nahulaan ng Koreano!
Nahulaan pala ang pagkakaroon ng anak nina Mikael Daez at Megan Young ng isang Korean fortune teller sa isang episode ng Running Man Ph.
Binalikan ni Mikael ang saju reading o Korean traditional fortune telling sa kanya ng Koreanong si Park Seong-jun noon kung saan sinabi nito na “Pagdating sa suwerte sa pagkakaroon ng baby, malakas ito next year and the year after that.”
Napasayaw nga si Mikael nang marinig iyon sa Koreano.
Marami nga ang viewers na nakaalala sa eksenang iyon nang ibalita ng mag-asawa ang kanilang pregnancy announcement.
Ipinost naman ng aktor ang isang video mula nang hulaan siya at ang journey nila ng misis. “What a journey it has been. What a journey to come,” caption niya sa kanyang post.
Mukhang patapos na nga siguro ang paglilihi ni Megan dahil nang may mag-request na sana makapag-podcast sila sa kanyang pregnancy journey ay sinabi niyang umiigi na ang pakiramdam niya at umaasa siyang makakapag-record na sila ng ilang episode sa holidays.
Na-miss daw niya ang mag-podcast dahil mukhang tinutukan nila ang pagbubuntis sa panganay na siguradong pareho silang excited.
- Latest