^

PSN Showbiz

Lorna at Juday, na-cancel sa Kapuso?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Lorna at Juday, na-cancel sa Kapuso?!
Lorna Tolentino.
STAR/ File

Ilan sa mga taga-GMA 7 ang nakausap ko para klaruhin ang isyu tungkol sa pagbabawal diumano ng pagpo-promote ng ilang Metro Manila Film Festival movies Kapuso network.

Nakita ko mismo sa schedule ni Lorna Tolentino na may promo sa GMA 7, kagaya ng paglalaro nila nina Judy Ann Santos sa Family Feud, at interview sa Fast Talk With Boy Abunda, pero na-cancel na ito.

Ayon sa ilang balitang ipinarating sa amin, pinapayagan lang daw na mag-promote sa GMA 7 kapag na-acquire ang TV rights ng naturang pelikula. Kung walang koneksyon sa Kapuso network, hindi raw sila ina-allow na makapag-promote sa natuwang network.

May ilang taga-GMA 7 kaming napagtanungan, at ipinaliwanag sa amin kung ano raw ang totoong nangyari.

Ang sabi nila, naa-accommodate naman daw na makapag-promote sa ilang live shows kagaya ng TiktoClock at Fast Talk ni Kuya Boy.

Pero ang ilang programa kagaya ng All-Out Sundays, next year na raw ang susunod nilang taping dahil nakapag-advance na sila. At meron pang Linggo na nagre-replay sila.

Sa Family Feud ay sobrang advanced na raw ang tini-tape nila ngayon. Pang-next year na episodes na raw ang tini-tape. So, hindi rin aabot sa pagpo-promote ng MMFF.

Nilinaw rin sa amin na kino-cover naman daw ng GMA News ang ilang events ng mga pelikulang ‘yun, at makapag-promote naman daw ang ibang pelikula sa It’s Showtime.

Pero may mga complain pa rin kaming naririnig tungkol sa isyung ito. Sana raw sa panahon ngayon na iilan lang talaga ang kumikitang pelikula, sana magtulungan na raw ang lahat para maibalik ang sigla nito.

Ginagawa naman ng MMDA at ang Executive Committee ng MMFF na mai-promote ang lahat na pelikulang kalahok.

Kuya Kim, out na out na sa pulitika

Isa sa napag-usapan sa nakaraang press lunch ng Buhay Party-list nominee Cong. Lito Atienza, kasama ang isa pang nominee na si Carlos Sario ang tungkol dito.

Malapit kay Cong. Lito ang taga-showbiz, dahil na­ging bahagi rin siya nito.

Ilang taon ding namayagpag sa ere ang drama anthology niyang Maynila, at ang patuloy pa ring napapanood ang anak niyang si Kuya Kim Atienza sa ilang programa sa GMA 7.

Nung humarap si Kuya Kim sa ilang miyembro ng media para sa bagong show niyang Dami Mong Alam, Kuya Kim, muli naming naitanong ang tungkol sa pulitika.

Consistent pa rin siya sa sinasabi niyang out na talaga siya sa pulitika.

Ilang beses na rin daw siyang inalok, pero tumatanggi na talaga siya.

Kahit nga ang pamilya niyang tumatakbo ay hindi rin daw niya maendorso. Kaya itong pagtakbo uli ng kanyang ama, at kapatid, tanggap na raw nilang hindi sila matulungan ni Kuya Kim.

“Ang pamilya ko sanay na sa akin. Nung una nagtatampo sa akin ang mga yan e. Twenty years na ako sa telebisyon this year e, nung August, 20 years na ako. Sanay na… nakailang eleksyon na rin.

“Alam na nila. Wala na silang tampo,” saad in Kim Atienza na halos araw-araw ay napapanood siya sa mga programa sa GMA 7.

Sa TiktoClock ng umaga mula Lunes hanggang Biyernes, sa Ang Dami Mong Alam, Kuya Kim ng Sabado ng 10:45 ng umaga, at sa 24 Oras araw-araw.

KAPUSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with