James, nagpakatotoo!
Ewan ko kung bakit iba ang treatment ng tao kay James Reid.
Para sa akin napaka-charming, approachable, very articulate at maganda ang kanyang “what you see is what you get” attitude.
Hindi ko gusto ‘yung mga sweet-sweetan school of acting ng iba, very plastic ang dating. Mas maganda ‘yung act ni James na ‘pag like ka niya, sweet siya sa iyo. ‘Pag ‘di ka niya kilala, keber ka sa kanya. Iyon naman talaga ang dapat. Hindi lahat eklay-eklay ka.
Mas maganda ang approach ni James, totoong tao ang dating. Kaya nagtataka ako na parang hindi siya naiintindihan ng iba.
James Reid is a good talented guy na dapat mabigyan ng break na nararapat sa kanya.
Huwag na siyang i-nega ng mga taong ayaw sa kanya. Let him grow as an artist worth his talent, huwag itong harangin ng mga taong hindi naman dapat pakinggan dahil walang nakikitang maganda sa mundo.
Bongga.
Rhea Tan, naging malapit sa showbiz
Isa sa friends namin na very close sa amin si Rhea Tan ng Beautederm. Talagang naging malapit ang loob namin sa kanya dahil sa sincerity at sweetness na ipinakita niya sa amin na bongga ang birthday two weeks ago.
Kaya naman nakakatuwa na number 1 sa market ang products ng Beautederm.
Bongga ang birthday celebration niya. Andun ang mga ambassador niya at parang ang sosyal talaga.
No wonder lagi siyang naka-smile at mukhang enjoy na enjoy sa buhay niya ngayon.
Bongga talaga si Rhea Tan ng Beautederm.
- Latest