John arcilla, maraming tanong kay Anthony
Ang premyadong aktor na si John Arcilla, naghayag ng kanyang opinyon kaugnay sa Maris Racal-Anthony Jennings-Jam Villanueva issue, marami rin siyang tanong, “Ito lang hindi ko maintindihan: Bakit hindi binura? May mali, e. Anong pakay? Parang may plano, parang may hindi magandang balak... Parang mayroong laro eh. May hindi rin sinaalang-alang ‘yung third party, bad trip din ‘yon – pero tingin ko lang may isang kolokoy na nag-take advantage ng lahat with confidence in a disguise of being cool.”
Ano at sino kaya ang sasagot dito?
Rica, naka-relate kay Maris
Nag-comment din si Rica Peralejo na nararamdaman din ang pinagdaraanan ni Maris. Na siya rin daw ay nagdaan din sa ganyang estado ng magulong buhay pero at least walang nag-post ng ganung magulong parte ng buhay niya.
Bakit ba ganun na lang ang pamamahiya ng mga tao sa kapwa sa social media? Hindi kasi gawain ‘yun ng isang taong masaya sa buhay nila, ‘di ba?
Napa-comment na rin si Juan Karlos nang patanong din: “Uhmmmmmm not siding on anyone but what about the guy??? Why is he not as cancelled hahahaha?”
Ano kaya ang masasabi ni Anthony dyan kaya?
Anthony Jennings, ‘di tanggap ang sorry!
Nagsalita na si Maris Racal, and truthfully she said about Jam Villanueva’s expose, “I get her anger. Kaya pala ganon, because she was clueless about everything. I was clueless about everything... that’s my side of the story.”
Paano na ngayon, Anthony Jennings?
How will he frame his story? Hindi ito puwedeng simpleng sorry!
Nakakataquote:
“‘Yung dignidad ko hindi ko na mahanap. Whenever I go out, whenever I walk, I feel like I’m a naked woman walking. Hindi ko alam ano gagawin ko. I’m so embarrassed.” – Maris Racal
- Latest