Julia, naaksidente sa Topakk; Coco, naging proud
Hindi nagpa-double si Julia Montes sa mga mahihirap na eksena niya sa pelikulang Topakk na pinagbibidahan nila ni Arjo Atayde.
Mismong si Sylvia Sanchez ang nagsabi na walang takot sa mga daring action scene ang actress sa pelikulang isa sa inaabangan sa Metro Manila Film Festival 2024. “Talagang tumalon siya. Siya rin talaga ‘yung nakabitin,” patotoo ni Sylvia.
Kaya’t naaksidente pa siya na pagtalon ay tumama ang tuhod sa pako.
“Kasi ‘yung eksena na ‘yun, nagko-confrontation na ‘yung mga character. ‘Yun ‘yung first meetup namin ni Arjo, so medyo intense na ‘yung mga bagay-bagay.
“Eh nahiya naman akong i-cut (‘yung eksena) para sabihin na ‘teka lang napako ako,’ so ang ginawa ko dahil intense ‘yung eksena, nun’g wala sa akin ‘yung camera, hinugot ko na lang ‘yung ano (pako) sa tuhod ko and then, go on,” kuwento ni Julia sa ginanap na media conference ng pelikula the other night.
Na kahit gusto siyang dalhin sa hospital ng production ay hindi siya pumayag. May paramedic naman daw sa shooting nila na nag-check sa kanya.
At may injection din siya kaya ok lang – anti-tetanus shot.
Tinuruan ba siya ni Coco (Martin) o reaksyon ng karelasyon sa mga buwis-buhay na action scenes niya. “‘Yung original manager ko (Coco), proud,” chika ng aktres. “Siyempre, proud siya kasi siya rin naman ang isa sa nagturo sa akin kung papaano… hindi naman gumalaw lang, eh. Parang kung paano ‘yung safety.
‘Yung mga safety tips na itinuro niya (Coco), nagamit din naman naming lahat,” kuwento pa niya.
Marami ring mga bilin ang actor sa kanya.
“Siyempre ‘pag may mga baril, automatic ‘yan, laging mag-iingat kasi meron pa ring mga spark na lalabas diyan. Kapag mga action, huwag masyadong in the zone. Kasi minsan, kaming mga artista ‘pag nag-e-enjoy kami, minsan gusto namin, kami na ang gagawa para kuha na ‘yung shot. Ganun namin kamahal ‘yung trabaho, minsan nakakalimutan namin na teka lang, are we ready ba talaga or equipped to jump, or… ‘di ba, hindi natin maiiwasan na may accident?” dagdag na kuwento pa niya sa ginanap na media conference ng pelikula sa mismong warehouse kung saan sila nag-shooting.
Samantala, ang bongga rin ng Topakk, nag-adjust sila sa SM Cinemas.
Dalawa ang versiona nila – isang R-18 at R-16.
“Basta ang daming eksena na pagdating sa mga dugo, gilit ng leeg, lahat ‘yun, ‘yung mga nakakatakot na mga action, kailangan mong bawasan ‘yun or tanggalin. Pero, ‘yung story, hindi nasakripisyo. Andun pa rin action. ‘Yun nga lang, kung first time kang nakapanood at nasa SM ka, okay lang. Like, ako kasi napanood ko ‘yung buo eh. So, hinahanap ko.
“Actually, meron pa kaming X. ‘Yung sa abroad. Abroad ‘yun. Mas matindi ‘yun,” paliwanag pa ni Sylvia sa kanilang dalawang cut ng pelikula.
Sa totoong buhay ba anong topak ng isang Sylvia? “Ah, ‘pag nagutom. Sorry pero tawag ko sa sarili ko, PG (patay gutom).”
Pero si Arjo anong topak niya? “Alam mo honestly, hindi dahil anak ko ‘yan. Hindi ko nakikita nagagalit ‘yan. Sa buong buhay niya. Sa totoong buhay niya, nakita ko lang siya twice nagalit. ‘Yun pa lang.”
Si Maine (Mendoza), anong topak? “Ay hindi ko alam. Tanungin natin. Baka magkamali ako ng sagot e. Basta I love Maine, mabait siya.”
Kumusta na ang apo niya kina Zanjoe Marudo and Ria? “Sunday ko na lang nakikita, pero araw-araw kong bini-video call ‘yun.”
Pero sabi nga niya na ingat sila ‘pag lumaki ang apo : “Kukunin ko ‘yan. Akin ‘yan,” sabay tawa ng bagong lola.
At ang Christmas wish niya sa mag-asawa, “more, more, more, more, more kids. Marami pang anak. Para maka-arbor ako. Kahit isa lang,” natatawa pa niyang sagot ng ina nila Arjo na producer ng Topakk.
“For Maine and Arjo, mahalin ninyo lalo ang isa’t isa. Huwag ninyong pabayaan ng sarili ninyo. At kailangan n’yong bigyan ng time ang isa’t isa. Pareho kasi silang busy.”
Produced ito ng Nathan Studios, Fusee, and Strawdogs na isa sa official entries sa 50th Metro Manila Film Festival.
Naipalabas na ito sa iba’t ibang international festivals – Cannes, Locarno, Switzerland to Austin, Texas.
Bukod kina Arjo Atayde at Julia Montes, kasama rin sa pelikula sina Sid Lucero, Enchong Dee, Kokoy de Santos, Levy Ignacio, Bernard Palanca, Paolo Paraiso, Vin Abrenica, Cholo Barretto, Julio De Leon, Ivan Carapiet, Jeffrey Tam, Gerard Acao, Michael Roy, Maureen Mauricio, Elora Espano, Claire Ruiz, Anne Feo, Bong Cabrera, Manu Respall, Rosh Barman, Victor Medina, Ivan Rivera, Ian Lee, Nico Dans, Yian Gabriel, Raquel Pareno, Precious Laingo, Kayley Carrigan, and Geli Bulaong.
- Latest