MaThon controversy, sinakyan ng mga produkto
Grabe pa rin ang backlash ng MaThon contrversy at ang dami nang sumakay kahit na nga isang lechonan na naglabas ng “Do You Miss My Body?” na artcard! Grabe rin ‘no? Strike while the iron is hot!
May balik din kaya ‘yan?
Nananahimik!
More questions: Mananahimik lang ba sina Maris Racal at Anthony Jennings? Ire-refute nila ang screenshots? Magdedemanda ba sila? Sakaling magdemanda sila, ano ang reaksyon ng netizens kina Maris at Anthony?
Tinanggal sa promo?
At kahapon sa mediacon ng And The Breadwinner Is… magtataka pa ba tayo na tinanggal na ang MaThon sa lahat na promo ng pelikula? At siguradong nagsalita si Vice Ganda tungkol du’n. Ang dami nang nag-oopinyon, para namang sakdal linis ng mga taong nagkokomento dito, ‘di ba?
Cyber libel at data privacy violation!
Sabi ni Paolo Paraiso, “Cyber libel & data privacy violation ang katapat nun… Kaya think before you click mga beh.”
Pero are people listening?
Nakakataquote:
“Wala akong paki sa latest showbiz scandal.
“Hindi ko pa rin kasi naproprocess ng mabuti ang paghampas ni Divina Valencia ng mic sa ulo ni Dr. Rey dela Cruz.” – Gabe Mercado
- Latest