Neri, naudlot ang Pasko sa kulungan
Medyo natabunan ng cheating issue ang release order ni Neri Naig pagkatapos na iutos ng Pasay Regional Trial Court Branch 112.
Bukod sa syndicated estafa, inakusahan din si Neri ng paglabag sa batas ng securities.
Pero makakalabas siya ng kulungan.
Naaresto si Neri noong Nobyembre 23 at pagkatapos ay ikinulong sa female dormitory ng Pasay City Jail.
Dinala sa ospital para sa “medical checkup” noong Nobyembre 29 pero na-discharge kahapon Miyerkules, Disyembre 4.
Ang arraignment para sa kanyang mga kaso ay muling itinakda sa Enero 9, 2025, matapos maghain ng mosyon ang kampo ni Naig upang ipawalang-bisa ito.
Sinabi sa GMA ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) spokesperson Jail Supt. Jayrex Bustinera nakuha raw nila kahapon ang court order.
“The BJMP received the court order issued today by RTC Branch] 112 ordering the release of Nerizza Miranda,” pahayag ni Bustinera.
Nakatakda sanang ibalik ang dating aktres sa Pasay City Jail Female Dormitory kahapon, Dec. 4, pero bago pa ito mangyari ay lumabas na ang court order ng kanyang release.
Ayon kay Bustinera, hindi na ibabalik sa kulungan si Neri kaya isang bonggang balita ito para sa kanyang pamilya dahil magkakasama-sama pa rin sila sa Kapaskuhan ng mister na si Chito Miranda at mga anak nila.
- Latest