Sandro, pinagbawalang gumamit ng social media
Bumubuti na ang kalagayan ngayon ng anak ni Niño Muhlach na si Sandro Muhlach pagkatapos ng kontrobersiyang kinasangkutan ilang buwan na ang nakalilipas. Ayon sa dating Child Wonder ay talagang mayroong mga naging pagbabago sa anak dahil sa nangyaring eskandalo. “Noong una talaga, Tito Boy, mainitin ang ulo niya. Hindi siya makalabas, nakasarado ang lahat ng bintana sa kuwarto niya,” pagbabahagi sa amin ni Niño Muhlach sa Fast Talk with Boy Abunda.
Mula nang pumutok ang balita tungkol sa pang-aabuso kay Sandro ay mas napalapit umano si Niño sa anak. “Of course, dahil I wanted him to get over it as soon as possible. So up to now he’s still going through therapy. Mabuti nga ngayon, nakakalabas na siya, nakakanood ng sine, concert, dahil na rin sa suporta ng girlfriend niya si Shanelle (Agustin). Kapag pinag-uusapan namin ‘yung kaso with the lawyers, naaapektuhan pa rin siya,” dagdag ng aktor.
Ipinagtanggol ni Niño si Sandro laban sa mapanirang mga salita na ibinabato ng online bashers sa Kapuso actor. Hindi raw mapigilan ni Sandro ang paggamit ng social media kahit pinagbabawalan na ng doktor ang binata. “Ipinagbabawal sa kanya ng doktor. Pero makulit ‘yung bata, minsan talagang hindi niya matiis eh, ‘pag gabi nagbabasa. They can say whatever they want to say na kesyo gawa-gawa lang daw ni Sandro. Kesyo pera lang daw ang habol ni Sandro. What’s the point? Bakit gagawin ng bata ‘yung gano’ng kaso? Nagtatrabaho siya sa GMA, sa Sparkle, kakalabanin niya? Eh di mawawalan siya ng trabaho. What’s the point? Saka sisirain niya ang pangalan ng Muhlach? There’s no point. Kung pera naman, kahit hindi mag-artista si Sandro. Kaya ko namang buhayin si Sandro, sorry ha, hindi naman sa pagmamayabang,” paliwanag ng dating child star.
Moira, laging nilalabas ang galit sa kanta
Nailunsad na ang pinakabagong album ni Moira dela Torre na may titulong I’m Okay. Pinaghandaang mabuti ng singer ang mga bagong kanta sa naturang album kaya inabot ng dalawang taon bago mailabas sa publiko. “It needed its own time. A lot of things, good things, growth takes time. Proper growth takes time. You cannot rush certain things. As much as I tried to rush this album, I couldn’t release something that wasn’t’ real for me. I needed to grow with it, it needed to be true for me,” makahulugang pahayag ni Moira sa ABS-CBN News.
Matatandaang nakumpirma ang hiwalayan ng singer-songwriter at asawang si Jason Marvin Hernandez noong 2022. Sa mga nakalipas na taon ay nakapagsulat si Moira ng animnapung kanta pero labing-dalawa lamang ang napili para sa bagong album. “I allowed myself to be angry, to go through the pain, but also I didn’t want a rant album. There were things that I took out, there are things that I can share, but there are things that I don’t have to. This is the growing up album. This is the moving forward album. Sabi ko ipapalabas ko ba ito? But that’s the real one. I feel all those things. I don’t’s want to look perfect, like hindi ako nagkamali. Ang dami kong mali,” pagbabahagi niya.
Umaasa si Moira na mailalabas ang iba pang mga kantang naisulat sa susunod na taon. Posibleng ipakanta rin ng singer-songwriter sa ibang singers ang mga ito. “Maybe they’ll come out in another season, or for another artist. I don’t know, or maybe not at all. This album is a reminiscent of the lessons I’ve learned and the season that was,” pagtatapos ng singer-songwriter. (Reports from JCC)
- Latest