Matet, hindi na kinakahiya ang bipolar
Ibinahagi ni Matet de Leon ang tungkol sa kanyang bipolar disorder sa cooking talk show ni Mikee Quintos na Lutong Bahay.
Ang doctor daw niya ang nakapansin ng mga sintomas niya ng pagkakaroon nito na agad niyang inaksyunan. Taong 2022 nang makumpirma at ma-diagnose siyang bipolar.
Napansin daw ng doctor niya ang manic episodes niya ng pag-impulsive buying niya o paggastos nang hindi masyadong nag-iisip. Kasama rin sa sintomas ang mataas niyang energy.
Sinimulan naman niyang mag-take ng medications nang magkaroon siya ng depresyon.
Naging extreme low raw siya na hindi pa niya nararanasan sa buhay niya kailanman. Taong 2023 raw iyon ng buwan ng January at nagdesisyon siyang uminom na ng gamot.
Inilantad naman ng anak ni Ate Guy (Nora Aunor) na ang pamangkin pala niyang si Janine Gutierrez ang kumumbinsi sa kanyang mag-take ng medications.
Suportado nga raw siya ng pamilya niya sa pinagdaanan.
Ang anak niyang si Mica ang nag-aasikaso sa kanyang kapag may nararamdaman naman siya.
Hindi raw talaga madali. Pero sa tulong ng therapist, mga gamot, pati na rin suporta ng pamilya at mga kaibigan niya.
Ang baby girl din niyang si Mia ang nagpapasaya rin sa kanya.
Maaalalang nagkaroon ng hindi magandang karanasan si Matet noong nakaraang taon kung saan pinalipat siya ng lane ng isang babae nang pumila siya sa PWD lane sa isang supermarket.
Hiyang-hiya raw siya noon dahil hindi visible ang pagkakaroon ng mental health issues kung saan marami ang naka-relate sa kanya.
Grabe. Ako kaya?
- Latest