Sue, sinagot ang totoong relasyon nila ni Dominic!
Nagsalita na si Sue Ramirez tungkol sa relasyon nila ni Dominic Roque.
Naiintrigang may relasyon ang dalawa matapos kumalat ang video nila na diumano naghahalikan.
Nang diretsahang itanong ang aktres ay wala ring paliguy-ligoy na sinabi nitong, “Basta I’m happy. We’re enjoying each other’s company.”
Iyon lamang daw ang masasabi niya sa ngayon at may pahabol na “We’ve been seeing each other.”
Na-appreciate naman ng fans ang honesty niya at hindi raw ito pa-showbiz.
Wala raw itong palabok at straight to the point kung sumagot.
Wala namang nag-nega sa kanila kung sakali raw ngang maging opisyal na ang relasyon nila ngayong single na sila pareho matapos ang hiwalayan nina Sue at Victoria City, Negros Occidental Mayor Javi Benitez. Habang si Dominic naman ay kay Bea Alonzo.
Well, ang isang sigurado ‘di na makakahanap ng panibagong Javi si Sue.
‘Akala ko ay hindi na ako aabot ng pasko’
Dahil first Sunday ng December, iba ang naging pakiramdam ko habang nakikinig ng misa.
Alam n’yo ba na this year na-late ako ng order ng pagkain for Christmas dahil akala ko hindi na ako aabutin ng December.
Usually kasi, August pa lang nag-o-order na ako ng food for Christmas. Hindi ko kasi gusto na mapagod pa ang mga kasama ko sa bahay ng Dec. 24.
Pero dahil parang iba ang pakiramdam ko sa katawan ko, inisip ko na baka hindi ako umabot ng Christmas.
Pero dahil nga siguro mahal ako ni God kaya wala namang nangyaring masama sa akin. This Christmas will be meaningful dahil talagang for me parang second life ko na ito. Melancholic pa ako dahil nga lahat ng kasabay ko parang iniwan na ako.
Wala na sina Ricky Lo, Ethel Ramos, Isah Red, Mario Bautista at iba pa.
Para ngang nalulungkot ako dahil parang ako na lang mag-isa ang naiwan ng grupo namin.
God is really so good, but sometimes I feel tired na rin. I have done, seen and felt na wala na akong dapat pang gawin, o hanapin pa.
I can proudly say na salamat sa showbiz naging mabuti ang buhay ko, best things in life naranasan ko. I have so much to be thankful for, to be grateful. At lahat ng ito talagang dapat kong ipagpasalamat.
Bongga.
- Latest