^

PSN Showbiz

Abogado ni Neri hihintayin ang tamang panahon

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Abogado ni Neri hihintayin ang tamang panahon
Former actress Neri Naig-Miranda.
The STAR / File

Tiwala ang abogado ni Neri Naig-Miranda na malalampasan nila ang legal na problema sa tamang panahon.

Sa isang pahayag, sinabi nga Atty. Aureli Sinsuat, co-counsel para sa kaso ni Neri Naig-Miranda na ang mga katulad na reklamo na isinampa laban sa kanyang kliyente sa ibang mga lugar ay na-dismiss na. Kaya’t sila raw ay tiwala na si Neri ay mabibigyang-katwiran sa mga paratang sa pamamagitan ng wastong proseso ng hustisya.

Gayunpaman, idinagdag niya na hindi na nila maaaring talakayin sa publiko ang mga detalye ng kaso bilang pagsunod sa sub judice rule.

Sinasabing posibleng mag-Pasko at Bagong Taon si Neri sa Pasay City Jail Female Dormitory matapos na i-reschedule ng korte ang kanyang arraignment sa January 2025.

Samantala, sinasabi ring may warrant of arrest na diumano si Rufa Mae Quinto pero wala pang kumpirmasyon na lumalabas ukol dito na nadadawit sa kinakaharap na kaso ni Neri.

NERI

NERI NAIG-MIRANDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with