^

PSN Showbiz

JK, nag-concert hanggang labas ng MOA Arena

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
JK, nag-concert hanggang labas ng MOA Arena
JK Labajo.
STAR/ File

Successful at kakaiba ang concert ni JK Labajo, ang juan karlos Live na ginanap sa SM MOA Arena noong Biyernes, Nov. 29.

Nagsimula ang concert ng 8:39 ng gabi, pero hindi pa ito masyadong napuno, pero nung kalagitnaan na ng palabas ay halos puno na ito.

Obviously, na-traffic ang halos lahat nung gabing ‘yun.

Walang upuan sa pinakababa, at nakatayo lamang ang mga nandun na tiyak na avid fans ni JK, dahil talagang nagtiyaga silang nakatayo sa halos tatlong oras na concert nito.

Kakaiba at simple ang naturang concert, pero ang ganda ng konsepto ni Paolo Valenciano na ibang-iba sa mga nakaraang concert na dinirek niya.

First major concert ito ni JK sa ganun kalaking venue, pero hindi ito ‘yung typical na inilahad ang history niya, ‘yung pinanggalingan, at ‘yung kuwento ng buhay niya. Naka-t-shirt at jeans lang siya, hindi nagpalit ng damit na parang nagdya-jamming lang sila na kung saan binigyan niya talaga ng moment ang buong kasamahan na banda hanggang sa back-up singers niyang magagaling naman lahat sa napakahabang segment ng kanta niyang Baka Sakali.

Maiksi lang ang spiels ni JK, na parang mga kaibigan at kabarkada lang niya ang kinakantahan niya.

Pero ang pasabog ni JK bago natapos ang concert ay kumanta siya hanggang sa labas ng MOA na ikinaloka ng mga tao. Kinanta niya ang Manhid na sinabayan ng mga andun.

Pawang malalapit kay JK ang special guests niya na sina Moira dela Torre, Gloc 9, Janine Berdin, Zild at Paolo Benjamin ng Ben & Ben. Nasa screen lang si Kyle Echarri kung saan nag-duet sila ng collaboration nilang Visayan song na Kasing-Kasing. May prior commitment daw si Kyle sa Indonesia.

May collab din sina JK at Moira na Medyo Ako, at Sampaguita naman ang collab nina  JK at Gloc 9.

Ang kantang Buwan at Ere lang ang familiar ako sa mga kanta ni JK, kaya hindi ako nakaka-relate sa iba pa niyang kinanta.

Pero naririnig ko sa bandang likuran ko na parang hugot daw ni JK sa relasyon nila ni Maureen Wroblewitz ang mga kanta niya, kagaya ng Limang Taon na kung saan umabot ng limang taon ang kanilang relasyon, ang Manhid, Lunod, itong Ere at ang Buwan na talagang isinulat niya ‘yun para kay Maureen.

Nandun naman ang kasalukuyang girlfriend ni JK na in-acknowledge niya at nagpasalamat sa suppor­ters niya, mga kaibigan lalo na sa producer ng concert niyang Nathan Studios nina Sylvia Sanchez at ng pamilya niya.

Nakita naming nanood sina Andrea Brillantes, ang mag-asawang Cong. Arjo Atayde at Maine Mendoza, at narinig namin sa ilang fans na nandun din daw ang mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Congratulations sa napaka-successful na juan karlos Live concert lalo na sa Nathan Studios.

Kahit first time sa MMFF... direktor, may nailabas sa Franseth

Malaking challenge sa Regal Entertainment ang entry nila sa Metro Manila Film Festival na My Future You, dahil first full length film ito ng tambalang Francine Diaz at Seth Fedelin.

Babangga sila sa mga malalaking pelikula, kaya malalaman kung kaya bang talunin ng bagong loveteam ang mga malalaking artista na napatunayan na ang lakas sa ilang taon ng MMFF.

Si Crisanto Aquino ang direktor nito na nagkaroon din ng entry noong 2019, ang Write About Love na isa sa pinamagandang entry nung taong ‘yun. Napaarte niya nang bonggang-bongga si Yeng Constantino na nagwagi pang Best Supporting Actress nung taong ‘yun.

Kaya sa nakaraang mediacon ng My Future You, nahirapan ba si direk Cris na paartehin sina Francine at Seth? Nailabas ba niya ang karakter na ginagampanan nila at hindi ang FranSeth? “‘Pag tiningnan n’yo ‘yung My Future You, hindi n’yo makikita sina Seth Fedelin o si Francine. Sila si Lex at saka si Karen.

“They are very natural actors. Meron silang sariling atake… wala e. Effortless e, very natural e. Iba sa ginagawa nila sa telebisyon, totally different character dito sila.”

Pero ang isa sa ikina-excite ni direk Cris ay ang pagsasama nila ng mga iginagalang niyang direktor na nakatrabaho niya noon. “Mabigat ‘yung labanan kasi karamihan ng entries, mga director ko dati. Direk Chito (Roño), AD ako ni direk Chito, Pepe Diokno, AD niya ako, Jun Lana script continuation niya ako dati. Si Dan Villegas, AD niya ako dati,” pakli niya.

JK LABAJO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with