Heart, bongga ang eksena sa Hong Kong
Umagaw ng eksena si Heart Evangelista sa red carpet ng #VogueLovesHongKong kahit 24 hours lang sila ng kanyang glam team.
Bongga nga ang misis ni Senate President Chiz Escudero lalo na red carpet suot ang alahas ng Carnet, isang luxury jewelry brand.
No doubt na darling ng mga fashion event ang actress, artist, philanthropist at global fashion.
Bago ang nasabing red carpet ay nag-upload na siya na nag-pictorial para sa Vogue Hong Kong na suot nga ang mga nasabing alahas.
Parang two weeks ago lang ay nasa Indonesia si Heart sa partnership naman ng isang luxury brand ng bag sa nasabing bansa. At talagang pinilahan siya ng mga Indonesian at panay ang pa-selfie sa kanya na makikita sa mga kumalat na Reel.
Days ago naman ay naglabas din siya ng pictorial para sa isang international perfume brand and so far nagkakaubusan na raw ito ng stock.
Actually, ‘yun daw ang advantage ni Heart, naso-sold-out daw talaga ang mga ini-endorse niya sa kanyang social media pages.
- Latest