Jimmy Bondoc, ikakasal na!
Ah wow sa February 2025 pala ang kasal ni Atty. Jimmy Bondoc.
Isa ring abogado ang pakakasalan ng dating singer, si Atty. Isabel Torrijos.
Sa law school nag-umpisa ang kanilang relasyon, kuwento ni Atty. Isabel.
Kaya bukod sa tutulong siya sa kampanya ni Atty. Jimmy na kumakandidatong senador, abala rin siya sa paghahanda sa kanilang kasal.
At handa raw siyang sumama sa kampanya ng kanyang fiancé.
Anyway, graduate ng Ateneo de Manila (Bachelor of Arts) at University of the East (Juris Doctor) si Jimmy.
Identified ang singer / composer/ producer kay former president Rodrigo Duterte. Maaalalang noong panahon ni Duterte ay naging Assistant Vice President for Entertainment siya ng PAGCOR (2016); Vice President for Corporate Social Responsibility (CSR) Group (PAGCOR) -2017 – 2021 at naging Board of Directors noong 2021.
Kaya’t kabilang sa mga tatayong ninong sa kasal ang dating presidente ng Pilipinas.
Pero hindi apektado si Jimmy sa mga nagaganap na kontrobersya sa pamilya Duterte particular na kay Vice President Sara Duterte. “I am running on a campaign of principle. Hindi po ito loyalty sa mga pangalan kundi loyalty sa mga prinsipyo and right now ang mga prinsipyo ko at matagal na rin ay talagang aligned naman talaga mga Duterte. Dito sa mga recent na bangayan, nakakatulong po sa awa ng Diyos ‘yung nag-abogado ako and tinitingnan ko ‘yung legal aspect para malayo sa pulitika. At sa legal aspect, hindi ako nagsalita, hindi ako nag-post until dumating si Atty. Zuleika Lopez at mula doon sa contempt, na talagang takang-taka na ako sa grounds nung contempt. Biglang in the middle of the night pinalilipat sa Women’s Correctional. Hindi ko po talaga matanggap ‘yon. So in terms of loyalty, I’m not loyal to families, I’m loyal to principles, and in terms of law. Ang pinaglalaban ko rito is hindi ‘yung bangayan nila kundi ‘yung ‘wag naman po natin basagin ang mga batas natin para lang sa pulitika. Sana naman po sundin natin ang due process,” pahayag niya.
Anyway, kahit parang ang tagal na niyang hindi aktibo sa pagiging singer ang laki pa rin ng monthly listeners ng mga kanta ni Jimmy sa Spotify – 771,009 monthly listeners.
Kabilang nga sa mga kanta niyang millions ang listeners monthly ang Let Me Be The One, Hanggang Dito Na Lang, I Believe and Grow Old with You.
- Latest