Judy Ann, kinapa ang ginawa sa bagong pelikula
Magkahalong emosyon ang naramdaman ni Judy Ann Santos nang gawin ang Espantaho na kalahok sa Metro Manila Film Festival 2024. Matatandaang limang taon naang nakalilipas nang masungkit ni Juday ang Best Actress award para sa MMFF entry na Mindanao. “Nando’n na yung pressure na may takot, may kaba. Kasi Mindanao was five years ago. Hindi ko na alam kung ano ang takbo ng viewers when it comes to watching movies. But I’m excited kasi ngayon na lang kami ulit nakagawa ni Direk Chito ng pelikula, na horror,” nakangiting bungad ni Judy Ann.
Hindi umano nagdalawang-isip ang aktres na tanggapin ang naturang horror film sa direksyon ni Chito Roño. Nang mabasa pa lamang ang script ay agad daw na nakapagdesisyon si Juday na gawin ito. “Sabi ko in fairness, same ito nang takot sa nakaraang pinabasa mong horror stories sa akin. Gano’n din ang sinabi ko sa team ko. I like this movie, naramdaman ko siya, kunin natin,” kwento ng magaling na aktres.
Nakilala si Judy Ann sa pagiging magaling na dramatic actress. Aminado si Juday na nahirapan sa trabaho ngayon dahil sa tema ng pelikula. Nakatrabaho ng aktres sa naturang MMFF entry sina Lorna Tolentino, Chanda Romero, Janice de Belen, Mon Confiado, Eugene Domingo at JC Santos. “This is a film na pinagsama-sama ang mga veteran stars, mga lumang tao, kasama ako doon. When you work with people who have been in this industry for the longest time, feeling mo din hindi ka nagtatrabaho. Nakakapanibago kasi ang tagal ko nang hindi nag-horror. Kailangan kong kapain. Kasi ‘yung facial expression ko, natatakot na ba ito? Iba ‘yung ‘pag shinoot mo ‘yung eksena, iba ‘pag binabasa mo siya. Sa kabuuan, mas mahirap manakot kaysa magpatawa, kaysa magdrama. Mas mahirap akong mag-imagine na takot ako kasi wala naman akong nakikita,” paliwanag niya.
John, pinangalanan ang magagaling na nakababatang artista
Naibahagi sa amin ni John Arcilla sa Fast Talk with Boy Abunda kung sino ang kanyang mga hinahangaan sa mga nakababatang kasamahan sa industriya.
Para sa premyadong aktor ay maraming magagaling na artistang babae sa bagong henerasyon. “Actually, manghihinayang akong sabihin na tatlo lang. Kasi ang dami-dami, ang daming ang gagaling ngayon, Tito Boy. Pero para sa akin sa best actress, Si Janine Gutierrez. Ibang klase, napaka-natural, iba ‘yung hugot eh. Si Glaiza de Castro, alam mo nanghihinayang ako kay Andi Eigenmann kung bakit huminto. Ay! Napakahusay! At saka Andrea Brillantes, sumisibol na bata pero ang galing,” paglalahad ni John.
Mayroon ding napili ang premyadong aktor sa mga artistang lalaki. Mula noon pa man ay napansin na uman ang husay sa pag-arte ni Dennis Trillo. “Sa artistang lalaki, well, alam mo kasi nakaeksena ko rin, bata pa lang siya naapektuhan na ako ni Dennis Trillo. Noong gumawa siya ng pelikula kasama niya si Judy Ann Santos, hindi naman siya bago pero ‘yung generation na ito. Napansin ko talaga, very subdued at saka underacting pero powerful. Napansin ko siya umpisa pa lang. Ngayon makikita mo sa kanya gano’n din, magaling siya. Si Kyle Echarri, well of course si Ruru (Madrid) kasi he is very committed. Sobrang committed doon sa kanyang craft. That’s one of the reasons kaya gumagaling ang isang artista, commitment. Actually ang dami pero in the meantime, ‘yon muna ang pumasok sa akin,” pagtatapos ng aktor. (Reports from JCC)
- Latest