^

PSN Showbiz

Trending star noong pandemic, kinarir ang misis ni April Boy!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Trending star noong pandemic, kinarir ang misis ni April Boy!
April Boy Regino

Pretty and educated ang gumaganap na misis ni April Boy Regino (Madelyn), sa pelikulang na IDOL: The April Boy Regino Story, na si Kate Yulong.

Pinagbibidahan nila ito ng upcoming actor na si John Arcenas.

Isa siyang fashion designer bago nag-desisyong mag-audition sa bioflick ng nasirang OPM icon na si April Boy na dinirek ni Efren Reyes Jr na mapapanood sa mga sinehan beginning Nov.27, produced by Premiere WaterPlus Productions.

Dumaan sa audition si Kate ng ilang beses bago siya napili sa role ng misis ni April Boy. “This is my first movie po. Base po sa sinabi sa akin ni Direk Efren, meron pong pool of talents na tiningnan po siya. Tapos nakita niya na parang ako ‘yung kamukha ni Tita Madelyn. So, pinapunta po nila ako sa office, nag-audition po ako. Then, isa pa po, nagulat po ako na si Direk Efren pala po ‘yung director dahil nakatrabaho ko na po siya before sa, The Women of Tonta Club. Kasama po sila Nova Villa, Tetchie Agbayani at iba pa pong mga artista,” rebelasyon ni Kate sa interview namin.

Malaki ang role ni Madelyn sa buhay ni April Boy kaya “All throughout the movie po, makikita ninyo po ako po sa palabas.”

Kate Yulong

First and last love ng pumanaw na singer na nagpasikat sa mga kantang  Di Ko Kayang Tanggapin, Umiiyak ang Puso Ko’t Sumisigaw,” Paano ang Puso Ko, among others, ang misis. “Sobrang ano po talaga kasi kung titingnan n’yo rin po at mapapanood ninyo po sa story, first and last po talaga ni April Boy and first love po talaga nila yung isa’t isa po. Kaya, super importante po talaga from the start till the end, nandun po ‘yung asawa ni April Boy.”

Walang gaanong showbiz background si Kate kung tutuusin: “Ako po, showbiz background ko, actually, ako po ay isang fashion designer. And then, I started po 14 years old. Then pandemic happened. Sabi sa akin, nung isang client ko, bakit hindi ko mag-artista? So, ako po, wala akong background, wala akong family from the showbiz na pwedeng tumulong sa akin.

“So, nag-casting po ako for TV commercials, nagkaroon po ako ng mga commercials, TVCs and digital ads. And then, nag-Ogie Diaz Acting workshop.

“Opo, nag-workshop din po ako doon. And then, ‘yung classmate ko from that workshop, in-invite niya ako at na may hinahanap na isang role po sa isang BL film, which is My Day, the series. Tapos, ‘yun po with Direk Xion Lim. Ayun po, nag-trending nung pandemic.

“Yes, ako po si Miss Kim dun. And from that YouTube series po, ang dami po director na nakakilala po sa akin. Isa na po doon, ‘yun nga si direk Xion. Napasok po ako sa GMA, ABS. Ayun na po. Yes, nagtuluy-tuloy na po,” mahabang kuwento pa ng baguhang actress.

Pero aniya ay kakilala na niya ang gumanap na April Boy : “Nakilala ko na po siya nung pandemic din po. May ginawa po kaming palabas, which is hindi pa po nag-i-air until now po. Pero doon ko po siya unang na-meet. And same management po kami, kay Sir Tyronne Escalante,” kuwento pa ni Kate.

“ Super chill po kami sa isa’t isa. Walang ilangan. Kapag kailangan po mag-asawa po talaga, ginagawa po talaga namin ‘yun. Super happy. Ayun po ang aabangan.”

Kahit kabilang sa ibang henerasyon, familiar na familiar siya kay April Boy.

“Lalo na sa kanta po na, ‘Di Ko Kayang Tanggapin. ‘Yun talaga ‘yung alam ninyo naman, trending naman po ‘yan kahit matagal nang ginagamit sa mga pelikula. Kaya rin, kilala ko po talaga si April Boy.”

Ano sa palagay niya ang malaking kontribusyon niya sa music industry? Gano siya ka-importante, sa kanyang opinion?  “Sa akin po, kasi kung hindi ninyo kilala si April Boy, parang hindi ka po tao. Yes, parang kulang ka po talaga sa knowledge, sa music kung hindi mo kilala si April Boy. Parang hindi ka tao.”

At ang paborito raw niyang kanta nito : “Isa sa favorite ko yung Umiiyak Ang Puso. Napakaganda po ng kantang ‘yun. Lalo na po kung mapapanood ninyo po. Grabe po, naramdaman ko po talaga ‘yung kantang ‘yun. Ayoko po muna magbigay ng medyo hints.”

Samantala, 2019 pala nang umpisang isulat ni Efren Reyes, Jr. ang script ng pelikula pagkatapos nilang magkakilala sa isang out of town event ng OPM singer na sumikat din sa pagiitsa ng sumbrero sa audience. “Sa hotel, nagkakuwentuhan kami at nabanggit nga niya sa akin ‘yung buhay niya, ‘yung pinagdaanan niyang cancer, heart failure, tapos, nabulag. Lahat ‘yun, pinagdaanan niya. Tatlong dagok sa buhay and yet, nagpe-perform pa rin siya,” pag-alala ni Efren sa interview ng ilang entertainment media sa ginanap na premiere night ng pelikula last Friday.

Pero inabot sila ng pandemic noong 2020 kung saan nakatakda raw na sana silang mag-shooting. Hanggang pumanaw si April Boy noong Nov. 29, that same year kaya na-shelve ang pelikula.

Pangako raw niya ito sa isang namayapa na. “Nung nakaluwag tayo, sabi ni kumander (the producer), ‘ituloy natin, nangako tayo sa patay.”

Inspiring daw talaga ang kwento ng buhay ni April Boy na ayon kay Direk ay gusto niyang mapanood ng maraming tao. “Magandang malaman mo kung ano ‘yung tunay na nangyari kay April Boy sa likod ng entablado. Maraming humanga sa kanya sa ibabaw ng entablado. Nakita n’yo naman po kung ano ang pinagdaanan ng taong ito na napakamakulay ng buhay sa likod ng entablado.”

APRIL BOY REGINO

MUSIC

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with