Government official, na-ostracize dahil sa panghahalay
Ostracized sa inner circle sa Malacañang ang isang government official na inireklamo ng pagha-harass sa kamag-anak ng isang nasa mataas na posisyon.
Isinumbong ng ‘victim’ ang nasabing government official sa kanyang kamag-anak na may ‘power’ na galit na galit daw sa ginawa ng government official.
Naganap daw ang pambabastos sa loob ng isang kotse nang mag-volunteer si government official na ihatid ang victim.
Kaya, ostracized na ang nasabing government official na napabalitang magkakaroon pa noon ng bagong posisyon sa gobyerno.
Hindi naman daw kakasuhan pero laglag na ito sa inner circle ng Malacañang.
So mala-Rita Daniela at Archie Alemania ito, except daw sa walang demandahang magaganap at walang history sa kanila.
- Latest