FL Liza, pinasalamatan ng The Kingdom

First Lady Liza Marcos
STAR/File

Wow very thankful pala ang producer ng pelikulang The Kingdom starring Vic Sotto and Piolo Pascual kay First Lady Liza Marcos.

Si First Lady Liza pala ang tumulong sa APT Entertainment, MQuest Ventures, and MZet Television Productions para big scene nila sa pelikula, directed by Michael “Mike” Tuviera.

Ito raw ‘yung eksena sa barko kaya kailangan nila ng approval sa Philippine Coast Guard (PCG).

Ang tagal daw naghintay ng approval nila Direk Mike, kaya kinausap ng production si First Lady sa isang event at in all fairness, the following day na nakausap ang first lady, tinawagan na raw agad ang production ng The Kingdom na pwede na silang mag-shooting sa barko.

Show comments