Sen. Robin at BGYO, na-boo sa concert ng BINI?!

BINI, Mariel at mga anak
STAR/File

Pinag-uusapan sa social media ang pag-boo raw ng audience kay Sen. Robin Padilla nang nabanggit ang pangalan niya sa concert ng BINI, ang Grand BINIverse na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong Martes, Nov. 19.

Binanggit ni BINI Stacey at BINI Aiah si Sen. Robin na nanood sa kanila kasama si Mariel Rodriguez at ang dalawa nilang anak.

Nang banggitin si Sen. Robin, may mga nag-boo raw. Pero nung napanood namin sa video, hindi naman gaanong narinig ang sinasabi nilang pag-boo.

Kahit nga ang grupong BGYO na binanggit din, meron din daw nag-boo. Pero mas malakas ‘yung mga tumili kaya hindi rin gaanong nadinig ang sinasabing pag-boo.

Iba rin kasi talaga ang fans ng BINI, at talagang solid sila.

Pero totoo kayang nag-plus one raw ang grupong ito sa mga kanta nila?

Kasi kapag ganung malakihang concert, inaasahang live sila.

Nangyayari namang may nagpa-plus one sa performance, pero hindi naman ang buong concert.

Sana linawin ito ng sikat na grupong ito kung plus one nga ba sila sa naturang concert.

Sam, tinuloy ang cyber libel sa ‘pandaraya’; Rhian inaming hindi nakalakad pagkatapos tumakbo

Itinuloy ni Cong. Sam Verzosa ang reklamo sa nagsulat na dinaya raw nila ang marathon na sinalihan nila ni Rhian Ramos sa New York. Nauna nang naglabas ng statement si Rhian at pinabulaanan ang sinulat ng isang kolumnista ng isang broadsheet.

Pero hindi ito pinalagpas ni Cong. Sam, sinampahan nito ng kasong Cyber Libel ang kolumnista sa Manila Prosecutor’s office.

Aniya, “Ayoko sana ‘tong patulan na, pero kailangan may tumindig laban sa mga ganitong klaseng tao na nagpapakalap ng mga paninira at mga fake news online.”

Sabi pa ng kongresista, hindi lang naman siya kundi may iba pa palang kasong isinampa sa kolumnis­tang ito.

“Nakita ko ang mga mug shot niya, nagkalat sa social media…at ‘yun, hindi ko kaso ‘yun ha. Kaso ‘yun ng ibang tao na nagkaso rin ng cyber libel din sa mga siniraan niya. Ayun! Na-vindicate tayo agad at eto, nalaman ng tao ‘yung gawain niya.

“At sabi ko nga, kung kaya niyang gawin sa akin to at gamitin ang kanyang posisyon, ang kanyang pagiging abogado at ang kanyang column sa diyaryo. Kaya niyang gawin ‘to kahit kanino.

“Kasi, ‘yung sa akin ‘yung kasinungalingan na sinabi niya, pinanindigan niya hanggang ngayon e. Kahit nag-post po ako ng buong video ng aking pagtakbo. ‘Yung hinahanap niya na nawala raw na markers, pinakita ko nandun. Kahit naglabas na ng email ‘yung New York Marathon organizers, talagang matigas po ito e. Talagang gusto niyang panindigan,” dagdag niya pang pahayag.

Pursigido si Cong. Verzosa sa isinampa niyang kaso dahil gusto siyang palabasing mandaraya na hindi maganda para sa kanya, lalo na’t tumatakbo siyang Mayor ng Maynila.

“Ang dami na hong nasaktan. Kung ako lang okay lang e, pati ang mga mahal ko sa buhay dinamay pa. Dinamay pa niya si Rhian, siyempre mahal ko si Rhian, kailangan kong ipagtanggol e,” dagdag pa ng negos­yante / pulitiko.

Hindi pa kami sinagot ni Rhian kung bakit hindi na siya nagsampa ng reklamo kaugnay rito.

Sa nakaraang media conference ng pelikula niyang Huwag Mo ‘Kong Iwan, napag-usapan pa namin ang experience niyang iyun na kung saan first time daw niyang sumali sa ganun kahabang marathon na tumakbo raw sila ni Cong. SV ng 42 kilometers.

Kaya talagang nanakit daw ang katawan niya. “Medyo na-shock ‘yung katawan ko dun sa ginawa ko na bigla ko na lang itinakbo, tapos eventually hindi na po ako makatakbo, bumigay na ‘yung tuhod ko. So, nilakad ko na ‘yung medyo last part na.

“Dyinoke na namin ‘yun at medyo in-OA OA. Pero ‘yung totoo, the next day… kasi the day after marathon parang ‘yun ‘yung pang-recover, kain ng maraming protein, and pahinga ng marami. So, ‘yun talaga. Pagbangon ko ng morning, dun ko na-experience, gulat na gulat ako pagbaba ko pa lang ng paa ko sa floor, ha! Ano ‘yan? Hindi na ako makalakad,” sabi pa ni Rhian.

Show comments