MANILA, Philippines — Ugali nang magpamasahe ang isa sa members ng all-male dance group lalo na kapag may out of town gig sila.
Eh nang may imbitasyon sa kanila ang isang malaking organisasyon sa malayong probinsiya sa South, isa sa plano ng member ang magpamasahe agad pagdating doon.
Siyempre, babae ang request ni boy na magmasahe sa kanya ilang oras pagdating sa hotel. ‘Yun nga lang, fully booked daw ang female masseurs ng isang sikat na spa sa probinsiya.
Dahil wala na siyang choice, pumayag na siya sa lalaking masahista na meron din sa spa. Solo room ang dancer kaya walang umistorbo sa kanya dahil the next day pa naman ang sayaw nila.
Buong araw masigla ang dancer. Halos isang oras na non-stop ang performance ng grupo nila. Pagod ang lahat!
So nag-request uli siya ng masahe para raw makatulog mabuti. Ang request niyang magmasahe sa kanya? Lalaki! Kung maaari raw eh ‘yung dating nagmasahe sa kanya!
Aba, nagustuhan ni boy ang male masahista. Walang nakakaalam kung may extra na ginawa sa kanya ang masahista para ulitin ito, huh! You can never can tell sabi nga ni Ate Vi (Vilma Santos) dahil silang dalawa lang ang nasa loob ng room, huh!
LT at Juday, nakakakilabot ang pinagsamang mukha
Winner ang official poster ng festival movie ng Quantum Films na Espantaho na pinagbibidahan nina Lorna Tolentino at Judy Ann Santos mula sa direksyon ni Chito Roño.
Pinagsama sa isang mukha ang mga mukha nina LT at Juday. May eerie feeling ka talagang madarama once makita mo ito.
First time ni Juday to be directed by Chito habang baby na niya si Lorna na ilang horror movies na rin ang kanilang nagawa.