FU sa Tiktok…Futok!
Isa sa naging responsibilidad ko noon nung Radio Jock ako ay ang tumulong sa Sales and Marketing ng istasyon. (need ng pera ng show!) Naatasan pa nga akong maging Sales Manager ng isang FM station noon maliban sa pagkoda ko sa ere. (ganda lang ang puhunan!)
Nahasa rin ang talent ko sa pag-e-endorse ng mga brands sa show. (kahit nga feminine wash, na-endorse ko!) Kaya naman, hindi na ba-go sa’kin ang sistema ng sales lalo na sa ginagalawan kong media industry. (hello sponsors!)
Ang hindi ko pa nagagawang proyekto ay ‘yung direktang magbenta ng produkto sa harap ng camera.
Aliw na aliw ako noon sa mga pang gabing palabas sa TV na may mga host na nagbebenta ng kaldero, plantsa at panlinis ng inidoro. (kaya ko maglinis ng kubeta ha!) Ngayon naman, naglipana na ang mga online seller sa lahat ng social media platforms. (oo, naglipana talaga ‘yung term!)
Marami nang nag-eenganyo sa’kin na magtinda online. (baka kasi magaling akong mang-uto!) Syempre nandyan pa rin naman ‘yung mga loyal brands na ini-endorse ko (pero pwede pa magdagdag ha!) at may ilang taon na rin akong nagbebenta ng aking mga sariling gawang artworks na The Art of FU! (thank you sa mga sumusuporta! Spe-cial mention kay Sir Miguel Belmonte!) Pero ‘yung regular na pagbebenta sa mga live selling segments ay ‘di ko pa nasusubukan. (pero ‘di ako aarte ‘pag me-ron!)
Isang beses biglang may kumontak sa’kin, at nagtatanong kung willing daw ba ako maging online live seller. (basta may bayad, go ako!) Tinanong pa ako kung anong produkto ang kaya kong ibenta. (kahit sarili ko!) Ang sagot ko lang ay game ako at kahit ano, ‘wag lang illegal! (kaluluwa, keri?!) Dahil sa sagot kong ‘yan, agad-agad namang na-set ang meeting ko sa Tiktok Philippines. (fly agad ako!) Isa itong naging exploratory talks kung saan, isa ako sa pwedeng maging regular live seller ng mga produkto sa Tiktok at gagawin sa kanilang studio. (kahit tilapia pa ang ibebenta, go ako!)
Bilang panimula, gumawa ako ng ilang videos ng mga binibili kong produkto at available sa Tiktok Shop, (‘yung with matching yellow basket!) Huma-nash hanash lang muna ako, (‘yung iba kasi tumbling levels na!), habang ine-enjoy ko ang bagong raket na ito. (kaya mag-avail kayo sa @mrfu_mayganon) Abangan din ang pagiging Tiktok live seller ko. (mga Ka-FUtok! Fu at Tiktok!)
Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com.
- Latest