Marian, may bagong dagdag na best actress trophy
Tuloy ang pangongolekta ni Marian Rivera ng trophy.
Pinangalanan siya ng magazine na Esquire Philippines bilang Actress of the Year sa kanilang Man at His Best.
Ito ay para sa productive year ng Kapuso Primetime Queen na nagsimula sa box-office hit at critically-acclaimed Metro Manila Film Festival 2023 movie nilang Rewind ng mister niyang si Dingdong Dantes hanggang sa pagwawagi niya bilang Best Actress para sa kauna-unahan niyang Cinemalaya entry na Balota.
Matatandaan na ang Rewind ang tinanghal na highest-grossing Filipino film of all time nang humakot ito ng P1.2 billion ticket sales gross.
Ang Balota naman, patuloy ang pamamayagpag sa mga sinehan sa ikaapat na linggo.
Ayon sa magazine, ang Man at His Best ang local iteration ng isang global signature event kung saan binibigyang-pugay ang “extraordinary Filipino men and women reshaping society as we know it.”
Samantala, wala na atang makakatalbog sa mga collection ng toy character like Labubu ni Marian. Massive ang mga ipinakikita niyang collection nito at ang gaganda. Pricey ang mga ganung laruan kaya ang madalas na nasasabi na lang ng mga nakakakita sa kanyang unboxing, ‘sanaol.’
Pero curious ang ibang followers niya dahil ang gaganda ng box ng mga ito, san daw kaya ni Marian dinadala ang mga kahon nun.
- Latest