^

PSN Showbiz

Female director at magandang actress/female singer at TV actress, hinihintay kung pakakasal din!

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon

Congratulations naman sa band members ng Ben&Ben na sina Pat Lasaten and Agnes Reoma na ikinasal habang ang banda ay nasa kanilang US and Canada Tour.

Ngayon, may bago nang dagdag. Ang Pinoy lesbian power couple na talagang sinusubaybayan ng mga tao sa larangan ng local entertainment after Ice Seguerra at Liza Diño.

Sino na kaya ang susunod? Ang tanong ng mga utaw, magpapakasal din kaya  ang isang direktor at magandang aktres?

O ang isang singer at kilalang TV at theater actress? Abangan!

Rita at Archie, nawalan ng trabaho?!

Isang cryptic message ang pinost ng asawa ni Archie Alemania na si Gee Canlas.

Ang tanong, kumusta kaya sina Gee at Archie ngayon?

Totoo kayang magsasampa ng counter demanda rin si Archie kay Rita Daniela? Ano kayang kaso naman ito? Solid ba si Gee sa likod ng kanyang husbandry?

Paano na ang trabaho nito habang dinidinig ang kaso? Tengga ba muna?

Would anyone dare touch Archie at this point? Paano na ang kabuhayan showcase lalo pa’t magpa-Pasko? This remains to be seen.

Award ni Chelsea, after thought lang?!

Happy naman tayo sa special title ni Chelsea Manalo as continent winner sa Miss Universe as the first Miss Universe Asia!

Pero bakit kaya nagmukhang side award lang ito at para tuloy after thought lang? Ang tanong pa nga ng mga bakla, hindi ba ito pampapalubag-loob na award para naman hindi going home empty handed ang kandidata natin lalo pa’t napakara­ming naitulong din ng ating national director sa pagkuha ng local sponsors, ‘di ba?

Bakit nga ba hindi ito isinama sa main program ng Miss Universe 2024?

Mercy tiyak na mami-miss sa Aegis

Nakikiramay tayo sa pamilya, kaibigan at fans ng grupong Aegis na si Mercy Sunot na mas kilala sa mga kantang Sayang Na Sayang at Luha. Imagine , 48 years old lang?!

Napabalitang yumao si Mercy sa Stanford Hospital and Clinics in San Francisco, California.

Ang tanong, paano na ang kanilang Halik Sa Ulan: A Valentine’s Special concert sa February 1 and 2 sa New Frontier Theater? I’m sure mamimiss talaga si Mercy!

Nakakataquote:

“Feeling ko talaga ang calling ko is to have my own family and be a dad, eventually.

“Being there for my family; that, for me, is my calling in this world—having my own family.”

Enrique Gil sa kanyang misyon sa buhay - ang magkapamilya raw. Ang tanong : kanino kaya?

ACTRESS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with