Chelsea Manalo panalo bilang Miss Universe Asia 2024
MANILA, Philippines — Chelsea Manalo uuwing kauna-kaunahang Miss Universe Asia sa katatapos lang na Miss Universe 2024 sa Mexico.
Hindi man nauwi ang ikalimang Miss Universe korona ng Pilipinas, si Chelsea ang isa sa mga apat na continental queens na hinirang ng Miss Universe Organization.
Ang iba pang mga continental queens ay sina Matilda Wirtavuori ng Finland (Miss Universe Europe and Middle East), Tatiana Calmell ng Peru (Miss Universe Americas) at Chidimma Adetshina (Miss Universe Africa and Oceania).
Ang apat na Continental Queens ay magsisilbing ambassadors ng organisasyon sa kani-kanilang mga kontinente.
Natapos si Chelsea sa kumpetisyon bilang parte ng Top 30.
Bagama't maganda ang ipinakitang performance ni Chelsea sa swimsuit competition, hindi siya pumasok sa Top 12.
Nagpasalamat naman ang mga netizen kay Chelsea sa pagre-representa sa Pilipinas sa Miss Universe 2024.
Samantala, hindi naman pumasok sa Top 30 ang iba pang kandidata na may lahing Pilipino na sina Shereen Ahmed ng Bahrain, Christina dela Cruz Chalk ng Great Britain at si Victoria Velasquez Vincent ng New Zealand.
- Latest