^

PSN Showbiz

MYX Music awards 2024, mapapanood sa buong mundo

Pilipino Star Ngayon

Makakakuha ng front row seats sa MYX Music Awards 2024 dahil available worldwide ang livestream nito para sa Super Kapamilya members sa ABS-CBN Entertainment YouTube. Mapapanood ito ngayong Nobyembre 21 (Huwebes) ng 6:30 p.m. (Manila time).

Huwag palampasin ang pasabog na performances ng mga grupong BGYO, Nameless Kids, Alamat, Over October, at nina Maki, TJ Monterde, Ice Seguerra, Denise Julia, at iba pang OPM artists.

Makakasama rin sa selebrasyon bilang award presenters sina Jhoanna at Maloi ng BINI, James Reid, PBB Gen 11 big winner Fyang, Elijah Canlas, at marami pang iba.

Samantala, handog din ng Super Kapamilya ang extended scenes ng lahat ng episodes ng hit Bisaya talk show na Kuan on One season two. Extended ang tawanan at kulitan sa mga never-before-seen interviews at challenges ni Kuantie Melai Cantiveros-Francisco kasama ang kanyang guests na sina JK Labajo, Kyle Echarri, PBB Gen 11 housemates Jas at Binsoy, Sylvia Sanchez, Davao Conyo, Morissette, Chito Samontina, Khianna at Hana Beshie, Sisi Rondina, at iba pa.

Available sa buong mundo, ang Super Kapamilya ay isang membership feature kung saan mae-enjoy ng mga subscriber ang exclusive livestream access sa mga pinaka-inaabangang event, pasilip sa behind-the-scenes ng ilang mga palabas at special events, at masayang Q&A sessions tampok ang mga Kapamilya star.

FDCP, ilulunsad ang Docu Filmfest

Inihahandog ng Film Development Council of thInihahandog ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang Dokyumentado, ang kanilang kauna-unahang documentary film festival, na gaganapin mula Nobyembre 22 hanggang Dis­yembre 7. Itatampok nito ang mga screening sa mga Cinematheque Centres ng FDCP sa Maynila, Iloilo, Davao, Nabunturan, at Negros, pati na rin sa Juanflix, ang streaming platform ng FDCP.

Ipapakita ng mga screening ng Dokyumentado ang piling seleksyon ng short at full length documentary films mula sa kilala at baguhang filmmakers. Kasama sa lineup ang iba’t ibang lokal na programa at shorts, na maghahandog sa mga manonood ng komprehensibong pananaw sa pagsalaysay ng dokumentaryo. Bukod sa scree­nings, pangungunahan ng festival ang ilang panel discussions at talkback sessions upang bigyan ang mga manonood ng mas malalim na pang-unawa sa sining at epekto ng mga dokumentaryo.

MYX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with