Chloe, binalikan si Aiai; ex-jowa ni Karla, busy sa pagpapakasal

Chloe San Jose at AiAi delas Alas

May kumalat na reaction ni Chloe San Jose sa pag-amin ni AiAi delas Alas na niloko siya ng mister na si Gerald Sibayan at sa text message lang siya hiniwalayan nito na ibinunyag niya sa Fast Talk with Boy Abunda.

Pero for friends only lang daw ang nasabing reaction ng karelasyon ni Carlos Yulo na “back to you mamang, not to make fun of your situation but what you do to others will come right back at you 10x – it’s just the universe’s law.”

Maaalala ngang nagkomento si AiAi ng “Parang na-off ako kasi si girly habang ini-interview si Carlos, nakasandal dito sa balikat ‘yung baba ni ate girl.

“Buti nalang pabilog si ate girl kasi kung ako ang nakasandal doon, patay! Sabog ‘yung balikat ni baby boy. Nakakaloka! Buti nalang pabilog siya, hindi siya patulis,” aniya sa isang video habang nagpi-presscon si Carlos matapos manalo ng gold medal sa Paris Olympics.

Anyway, true kaya na may nabuntis si Gerald kaya sila naghiwalay ni AiAi?

Samantala, ikakasal na rin ang ex ni Karla Estrada na si Jam Ignacio.

Engaged na ito sa isang DJ. “Hon Happy Birthday!!! Happy ako kasama kita sa special day mo, kasama mo na ako every year tanggal na yung sumpa. naging triple celebration tayo. Basta Mahal na Mahal kita !!! I Love You!!!”

Super duper in love sina Karla at Jam sa isa’t isa at ibinili pa raw ito ng motor ng mommy ni Daniel Padilla noon.

Pero sa hiwalayan din napunta.

Maaalalang sinabi ni Jam sa mga interview na forever ang nakikita niya sa kanila ni Karla.

Show comments