^

PSN Showbiz

Amy, super big no sa mga alok na magpulitika!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Amy, super big no sa mga alok na magpulitika!
Winnie at Amy
STAR/File

No to politics si Amy Perez. As in ayaw daw niyang maging komplikado ang kanyang buhay.

Aniya sa thanksgiving press conference ng TeleRadyo, panahon pa lang daw ng MTB (Magandang Tanghali Bayan) ay nakakatanggap na siya ng mga offer.

Pinatatakbo raw siyang konsehal, ganyan. Pero sabi nga niya “it’s a no. Masaya ang buhay natin. Ayoko ng complication. Pwede naman tayong tumulong kahit wala tayo sa posisyon,” katwiran pa ni Ms. Amy.

Samantala, aminado sina Ms. Amy at Ms. Winnie Cordero na magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman nila sa pagbabalik sa radyo – Radyo 630/TeleRadyo Serbisyo. Mata­gal-tagal din silang namahinga matapos ang shutdown ng ABS-CBN – kabilang sila sa mga libu-libong nawalan ng trabaho. At suwerte na nakabalik sila. “Masaya na mayroon ding pressure. Na nasa balikat naming lahat na nasa DWPM (Radyo 630) dahil siyempre, alam naman natin na hindi pa tuluyang nakakaahon ang programa, ang istasyon. So, alam namin na sundalo kami na sumusunod at ginagawa ang trabaho namin para sa ikauunlad ng lahat ng nasa DWPM. So, masaya dahil nakikita pa rin namin ‘yung mga dati naming katrabaho and at the same time, malungkot kasi alam naming nabawasan kami pero nandito pa rin kami, lumalaban. Sabi nga sa Korea, ‘fighting!’” pahayag ni Tyang Amy.

“So ‘yun ‘yung pakiramdam namin sa araw-araw. Na hindi namin nakakalimutan ‘yung mga taong una naming nakasama sa DZMM na ngayon ay hindi na namin kasama. Marami kaming natutunan sa kanila.”

Para naman kay Ms. Winnie, bittersweet din ang kanyang nararamdaman sa pagbabalik sa ere pero nahihirapan aniya siyang mag-adjust.

“Personally, nahirapan akong mag-adjust. Kasi, 1997 to 2021, hindi ba? DZMM forever. Actually, hanggang ngayon, I’m still hoping that the old DZMM will come back but then .... dispersed na kami. We still remember the past that put smiles on our faces all the time. Pero siyempre, katulad ng usad ng panahon eh thankful kami na kami’y narito pa, kami’y napili kasi hindi lahat napili. Sobrang grateful kami ni Amy doon at maipagpatuloy ‘yung mga nasimulan ng mga kasamahan namin noong araw pa,” paliwanag niya na kasabay ng pagiging emosyonal sa kanyang bagong public service program.

Sa kasalukuyan ay host si Amy ng Ako ‘To, Si Tyang Amy, isang public service program na naka-focus sa mental health. Napapakinggan ito tuwing Lunes, Martes at Huwebes, 3 p.m..

Si Ms. Winnie naman ay may dalawang programa sa DWPM, ang Tatak Serbisyo na isang public service program at umeere Mondays to Fridays at 10:30 a.m. at Win Today every Saturday at 10 a.m.

Bago pinasok ang radio broadcasting, parehong artista sina Amy at Winnie.

At para sa kanila iba ang fulfillment sa radio, kumpara sa paggawa ng TV shows at pelikula. Bagama’t aminado silang mas malaki ang kita sa pagiging artista kesa sa radyo : “Wala sa bulsa ang fulfillment, nasa puso,” pahabol ni Ms. Winnie na sinegundahan ni Ms. Amy.

Si Amy ay sa FM at sa AM si Winnie nag-umpisang magkapangalan sa radyo.

AMY PEREZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with