Bea, nagsalita sa kasamang lalaki!

Jose Fores at Bea Alonzo

Nagsalita na ang aktres na si Bea Alonzo tungkol sa litratong kasama niya ang isang non-showbiz guy na si Jose Fores.

Sinagot na ng Kapuso actress ang mga ispekulasyon tungkol sa relasyon nila nito.

“Okay, this is getting out of hand. Can we all relax? WE ARE JUST FRIENDS. And the stories are getting ridiculous!” post nito.

Maaalalang pagkatapos kumalat ang video ng ex-fiance niyang si Dominic Roque na kahalikan diumano ang aktres na si Sue Ramirez ay ni-repost nito ang litrato nila ng non-showbiz guy na sinasabing kamag-anak ng sikat na restaurateur na si Margarita Fores.

At sinabi niyang “kalma lang po tayo” dahil nga inakala ng mga marites na ito na ang bago niyang karelasyon.

Sinagot naman siya ng netizens sa sinabi niyang “getting out of hand” dahil alam na alam daw nito na pag-uusapan siya sa kanyang post at tila sinadya naman daw nito ang timing kasabay ng video nina Dominic at Sue.

Sinabi pa ng mga basher na mukhang ayaw raw nitong magpakabog sa ex niya at intentional naman talaga ang pag-post niya.

Habang ang ibang fans naman niya ay halata naman daw friends lang ang dalawa na madalas mag-video call kasama rin si Sarah Lahbati at matagal na raw nitong ipino-post ang guy.

Hahaha. Nakakaloka sila ha.

Imagine nga naman kung hindi nag-post ng ganun si Bea, eh di sana ‘di siya pinag-usapan.

Lea, ginamit din ng poser!

Nanawagan si Lea Salonga na i-report at i-block ang isang official private fan page na nasa ilalim ng pangalan niya.

Dalawa lamang daw ang kanyang Facebook accounts, isang personal at isang official. “This is not me. I have only two accounts on Facebook: this personal one and the official one. Any account besides these two that purport to be me is not me. Report and block.”

Nakita raw niya ang isang sample message na pinadala sa kaibigan niya na puro raw grammatical errors.

Sunud-sunod nga ang panloloko ngayon na gumagamit ng pangalan ng mga celebrity kaya dapat mag-ingat at huwag paloko.

Show comments