Sunshine, ayaw munang mag-drama series?!

Sunshine Cruz

Hmm, true kayang self-love ang priority ngayon ni Sunshine Cruz?

Yup, mas gusto raw nito ngayong gawing priority ang sarili, makipagsosyalan at bantayan ang mga anak?

Ayaw muna diumano nitong tumanggap ng mga offer na drama series.

In fact, halos sampung drama series na diumano ang tinanggihan nito sa isang network.

Kaya nga diumano medyo nagugulat ang ibang production staff na afford na afford nitong hindi na tumanggap ng series.

Samantala, ang daming fake news kina Gret­chen Barretto and Sunshine.

May mga click bait ang ibang ‘digital creator’ as if legit ang story nila.

Sinasabi nilang grabe raw ang naging away nina Gretchen and Sunshine dahil sa negosyanteng si Atong Ang.

Pero parang dedma naman si Sunshine. Parang busy siya sa kanyang friends na sina Ruffa Gutierrez and Karla Estrada na nagkaroon ng advance birthday celebration na magkakasama silang tatlo. “Happy birthday in advance to a truly amazing friend @karlaestrada1121. We’re so grateful to have you in our lives. Here’s to another year of joy, love and success! Cheers!” aniya sa kanilang bonding.

Well, sabi nga ang best revenge ay ang magpaganda.

Show comments