K-drama actor na namatay, may iniwang sulat

Song Jae Rim

OMG pumanaw ang Korean actor na si Song Jae Rim sa edad na 39.

Kinumpirma nga ng Seongdong Police Station sa Seoul na si Song Jae Rim ay natagpuang patay sa kanyang apartment sa Seongdong District ng Seoul. Ayon sa mga lumabas na online reports, isang dalawang pahinang sulat din ang natagpuan sa pinangyarihan ng insidente.

Bagama’t hindi pa nakumpirma ang eksaktong dahilan ng kanyang pagpanaw, sinabi ng isang opisyal ng pulisya, “Sa puntong ito sa imbestigas­yon, walang mga palatandaan ng foul play.”

Sumikat siya sa kanyang papel sa 2012 drama na The Moon Embracing the Sun.

Napanood din sina sa iba pang Korean series tulad ng Two Weeks, Unkind Ladies, at pinakahuli na Queen Woo.

Show comments