Nadine at Christophe, ikakasal na?!

Nadine Lustre at Christophe Bariou

Engaged na nga ba ang Uninvited actress na si Nadine Lustre at boyfriend niyang si Christophe Bariou?

Marami ang kinilig sa pinost ng aktres na tila isang love letter na galing sa karelasyon kasama ang mga litrato nito.

Pero nagkaroon ng ispekulasyon ang netizens na parang engaged na raw ang dalawa dahil sa mensahe nitong one line lamang pero tumodo ang kilig nila na “Can’t wait to discover and conquer the world with you

“Chris” na handwritten pa nito. Napuri pa ng netizen na ang ganda raw nitong magsulat.

Habang ang caption naman ni Nadine ay “man, oh man, you’re my best friend
“I scream it to the nothingness.”

Nasabik daw ang mga tagahanga niya habang nililipat ang mga litratong ipinost nito dahil inaasahan nilang nag-propose na si Christophe sa kanya.

Pero nabigo sila dahil wala pa silang nakitang litrato o video na nagpapatunay na ikakasal na ang dalawa.

 Kaya hirit ng mga ito ay linawin na sana nito dahil hindi nila mapigilang magkaroon ng kung anu-anong ispekulasyon.

Pinusuan naman ito ng mga tagahanga at kaibigan niya gaya ni Iza Calzado habang si Sarah Lahbati, na hiwalay na sa mister na si Richard Gutierrez, naman ay napakomento ng “Sanaol.”

Maaalalang si James Reid ang huling nakarelasyon ni Nadine bago ang kasaluku­yang boyfriend niyang entrepreneur.

Bongga.

Show comments