Tom, proud daddy sa 4-month baby boy!

Tom Rodriguez

Ang ganda ng ngiti sa amin ni Tom Rodriguez na parang ang sobrang saya niya pagdating namin sa ginanap ang media conference ng pelikulang Huwag Mo ‘Kong Iwan kahapon. Nagkumustahan kami, at kinumusta ko sa kanya agad ang baby niya. “He’s okay…good, good.” Nakangiti niyang sagot sa amin.

Hindi naman pala niya itinatago. Sinabi pa niyang four months na raw at baby boy nga ito.

Kaya sa question and answer portion, casual na casual ang sagot niya tungkol sa kanyang pagkakaroon ng anak sa kanyang non-showbiz partner. “I’m a happy new dad to a very very healthy and beautiful baby boy and he’s four months old today.

“Hanggang dun na lang po muna. He’s my source of inspiration and he makes me so happy. I’ve never experienced this happiness before na akala ko na-experience ko before…” pakli ni Tom.

Pagkatapos ng mediacon ay ipinakita niya ang picture ng baby na napaka-cute nga! Nakuha nito ang dalawang dimples ni Tom, at parang ang aktor din ang itsura na laging nakangiti.

Ayaw muna niyang sagutin ang ilang detalye sa relasyon sa kanyang American partner. Pero ang isa pala sa pinaplano nito ay susunod dito sa Pilipinas ang kanyang mag-ina.

Carla Abellana

Pagdating kay Carla Abellana ay limitado ang sagot ni Tom, dahil matagal na silang hiwalay at nasa bagong landas na raw ngayon ang hinaharap niya.

Nilinaw niya sa aming divorced na raw sila ni Carla nang nakilala niya ang kasalukuyan niyang partner, ang ina ng kanyang anak. “Nag-meet kami after nung divorce namin. So everything na meron ako ngayon is a good start,” sabi pa ni Tom.

Nung na-settle ang lahat at naayos na ang divorce nila ni Carla, hindi na raw sila nagkausap o nagkita.

Bukas naman si Tom sa posibilidad na magkasalubong o magkita sila ng da­ting asawa. “I have no qualms naman. Pero like I  said, focus na ako sa sarili kong path. Hindi mo naman maiwasan na ano, like I said the world is small, pero puwede ka naman…,” maingat na sagot sa amin ni Tom.

Hanggang 2026 pa pala ang kontrata niya sa GMA 7, at thankful siya sa Kapuso network, lalo na sa ating Panginoon dahil hindi naman daw siya napapabayaan.

Tuluy-tuloy pa siya sa Lilet Matias: Attorney-At-Law at abala siya sa promo ng bale comeback movie niyang Huwag Mo ‘Kong Iwan na magso-sho­wing na sa Nov. 27.

Kasama niya rito sina Rhian Ramos, JC de Vera, Rita Avila, Pinky Amador, Lloyd Samartino, Simon Ibarra at Jim Pebanco, sa ilalim ng direksyon ni Joel Lamangan.

Arjo, naiyak nung nanganak si Ria

Naka-focus ang pamilya Atayde sa baby nina Zanjoe Marudo at Ria Atayde, dahil siya ang first na apo, first na apo sa tuhod at first na pamangkin.

Ang kuwento sa amin ni Zanjoe nang nakapana­yam namin sa story conference ng pelikulang gagawin nito sa OgieD Productions na How To Get Away From My Toxic Family, kapag nagkakatipun-tipon sila, nabibiro raw nila ang mag-asawang Cong. Arjo Atayde at Maine Mendoza na sila naman ang susunod na magka-baby para madagdagan ang bagong miyembro ng pamilya.

“Binibiro namin siyempre. Every time na magkakasama kami ‘pag Sunday, ‘yun nagbibiruan ‘pag hawak nila si baby. Uy bagay! Next na kayo. Pero siyempre nasa timing nila ‘yun, sa tamang panahon,” pakli ni Zanjoe.

Natutuwa raw kasi ang mag-asawang Cong. Arjo at Maine na nilalaro nila ang baby.

Hindi nga raw napigilan ni Cong. Arjo na maiyak nang ibinalita nila ‘yung panganganak ni Ria.

Masaya rin ang pamilya niya, dahil may dagdag na apo at pamangkin. Pero iba raw talaga sa pamilya ni Ria.

Sa ngayon ay si Zanjoe muna ang nagtatrabaho, at matagal-tagalan pa raw ang pagbabalik ni Ria sa pag-aartista.

Show comments