Zanjoe, hinintay sa toxic….

Zanjoe Marudo

Magbibida nang muli si Zanjoe Marudo sa isang pelikula. Si Ogie Diaz ang magsisilbing producer ng How to Get Away From My Toxic Family sa ilalim ng kanyang OgieD Prodcutions, Inc. “No’ng tinawagan ako for pitching, tapos in-explain nila ang character ng story, right after that nag-yes na ako. Kahit na wala pang script,” nakangiting kwento ni Zanjoe.

Ayon sa aktor ay talagang hinintay ng buong production team ang kanyang pagbabalik sa trabaho. Matatandaang huling napanood si Zanjoe sa seryeng Dirty Linen noong isang taon.

Pansamatalang nagpahinga ang aktor nang mag-asawa at magkaroon ng sariling pamilya.  “Inantay talaga nila ako eh. Kung kailan ako ready, kung kailan ko raw gusto pag-isipan and kung sasagot ako, doon lang sila mag-uumpisa pumili ng ibang cast. Kasi dapat kamukha ko, hawig and believable. Kasi nga pamilya kami,” paglalahad niya.

Ayon naman kay Ogie ay talagang bagay na bagay kay Zanjoe ang karakter na gagampanan sa bagong pelikula. Inaasahang sa Enero mapapanood sa mga sinehan ang bagong proyekto. “Kasi siya ‘yung sumasalamin or ‘yung hitsura niya kasi parang tagapagtaguyod ng pamilya, parang gano’n. So sabi namin kailangang makuha namin si Zanjoe. Kasi marami rin namang napatunayan si Zanjoe. Kaya sabi ko hindi na tayo mahihirapan sa kanya. Kapag napa-oo natin si Zanjoe saka pa lang tayo mag-casting kaya natutuwa naman kami. Kaya no’ng nag-oo siya, game na rin kami,” pahayag ni Ogie.

Melai, hindi inasahang tatagal ang kuan…

Hindi inakala ni Melai Cantiveros na magkakaroon pa ng pangalawang season ang programang Kuan on One. Malaki ang pasasalamat ng host dahil nagtuluy-tuloy ang naturang programa na napapanood sa iWantTFC. “Hindi ko talaga in-expect ito na magkaroon ng season 2. Thank you so much sa inyo na tumulong sa akin na magka-season 2 ito,” bungad ni Melai sa ABS-CBN News.

Ayon sa komedyana ay mas kaabang-abang ngayon ang mga gagawin ng kanilang programa. “Abangan n’yo mangyayari sa Kuan on One, mga new guests. Actually ‘yung ibang Bisaya natin na guests, gusto talaga nilang sumali ulit pa. Itong new season natin, hindi lang ang mga celebrities ang ating makakasama, hindi lang mga influencers, kung hindi may mga sports (athletes) and then mayroon din tayong drag queens. Ang favorite ko ‘yung bago ngayon na Kuani-Sends. I-send kasi mayroong connection ang Kuanizens para mapaabot nila sa kanilang idol. Ano ‘yung gusto nila i-shout out, itanong. So prior sa interview ko kinabukasan, ngayong gabi mag-post ako kung sino ang aking guest. Magtatanong sila kung anong gusto nilang itanong at makakarating ‘yon mismo sa kanilang idol,” pagbabahagi ng aktres.

Kinagiliwan ng manonood ang mga naging panauhin ni Melai sa naturang programa. Ilan sa mga nakipagkulitan sa season 1 ay sina Kim Chiu, Maymay Entrata, mag-asawang KZ Tandingan at TJ Monterde, at Regine Velasquez.

Mapapanood simula ngayong araw ang season 2 ng  Kuan on One. Ilan sa magiging panauhin ni Melai sina  Kyle Echarri, Juan Karlos Labajo, mag-inang Sylvia Sanchez at Gela Atayde, Morissette, at marami pang iba. — Reports from JCC

Show comments