^

PSN Showbiz

Magandang aktres na nakipagtikiman sa hunk actor, hiniwalayan ng BF!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Likas na may kakatihan daw pala itong si magandang aktres na sobrang happy sa kanyang guwapo at desirable na boyfriend.

Naging maingay sila lately dahil madalas silang nakikita sa social media, kaya tuloy napapag-usapan na naman itong si magandang aktres.

Ang isa sa nasagap namin ay walang keber daw itong makipagtikiman sa co-actor niya kapag type niya.

Nagkasama sila ng hunk actor na ipinartner sa kanya sa isang movie project.

Medyo sumimple si hunk actor kung type nitong makipagtikiman, ay game naman pala si magandang aktres.

Ayun, may nangyari raw sa kanila! Pero nakara­ting pala ito sa kasalukuyan niyang boyfriend, kaya nawalan ng gana si boyfriend, nakipag-break na ito.

E ang guwapo ng kasalukuyang boyfriend, ang dumi tuloy ng nasa isip ng ibang taong nakakakilala rito kay magandang aktres.

Zanjoe, protektado ang anak sa mga magnanakaw!

Back to work na si Zanjoe Marudo, pagkatapos nilang magka-baby ni Ria Atayde.

Siya na raw muna ang magtatrabaho dahil mas naka-focus ngayon si Ria sa pag-aalaga sa kanilang baby.

Pawang drama series ang nagawa ni Zanjoe, kagaya ng The Broken Marriage Vow at Dirty Linen, pero sa pelikula ay talagang namimili na raw siya ng magandang material.

Pero kaagad niyang tinanggap niya ang magandang offer sa kanya ni Ogie Diaz, ang pelikulang How To Get Away From My Toxic Family, na ididirek ni Law Fajardo.

Sabi ni Ogie Diaz sa kanilang story confe­rence nung nakaraang Sabado na ginanap sa Max’s Restaurant sa Roces, Quezon City, tiniyak daw muna nilang tatanggapin ni Zanjoe ang film project na ito bago sila nag-casting.

Mahalaga sa kanila itong maayos na casting, dahil dapat na magkakamukha raw sila, bilang isang pamilya, ang De Dios family.

Mabuti naman at tinanggap ni Zajoe dahil nagustuhan niya ang story na sinulat ni John Bedia. Nakuha rin nila sina Susan Africa at Nonie Buencamino, bilang magulang ni Zanjoe.

Kasama rin sina Lesley Lina, Richard Quan, Juharra Asayo, Keena Pineda, na siyang bubuo ng kanilang pamilya sa pelikulang ito.

Sa story conference ay kinorner na namin si Zanjoe para magkuwento tungkol sa baby nila ni Ria at kung ano ang mga nabago sa kanya ngayong isa na siyang tatay.

Nilinaw ng aktor na wala silang ba­lak na itago ang kanilang anak. Proud dad daw siya siyempre sa kanilang baby na kamukhang-kamukha niya.

Ipinakita niya sa amin ang video ng baby na napaka-cute, pero ipina­kiusap niyang huwag na naming ilabas at sabihin kung ano ang name nito. Masyado pa raw kasing bata para ilabas nila sa publiko.

Totoong hawig daw niya ang baby pero napakaputi nga raw nito, base sa kuwento ng lolang si Sylvia Sanchez. “Maputi talaga, masyado siyang maputi… pero may hawig siya sa akin. ‘Yung birthmark namin, parehas na parehas na puwesto, parehas na kulay. ‘Yun dito sa right (arm),” sabi pa ni Zanjoe.

Sa tamang panahon daw ay ilalabas din daw ang mukha at sasabihin ang buong pangalan ng baby nila. “Masyado pa siyang bata, masyado pa siyang maliit. Wala pa siyang two months e. Parang… I don’t think… hindi ko makita ‘yung point kung bakit siya i-expose sa online. Proteksyon din, kasi alam n’yo naman ngayon marami na ring nag-identity theft sa social media, ang dami nang mga fake news. So, huwag na lang. Hindi natin maiwasan and malay mo, next week o next month, sa Christmas may family photo kami. Siguro mas magandang timing, mas maganda, mas proper at mas tamang setup as family. Kung gusto n’yo makita, ipapakita ko naman sa inyo. Hindi ko naman siya tinatago e,” sabi pa ni Zanjoe.

Ang laki raw ng nabago sa kanila ni Ria, pagdating ng kanilang anak.

Ngayong Lunes, ay sisimulan na nila ang shooting ng pelikula nilang How To Get Away From My Toxic Family. May target playdate na sila sa Jan. 22, 2025 at ipapalabas sa SM cinemas lamang.

AKTRES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with