Kaya naospital, Ivana lumaki ang tiyan
Idinetalye ng actress-vlogger na si Ivana Alawi ang nangyari sa kanya nang maospital siya ilang linggo ang nakararaan.
Pakiramdam daw niya ay pangalawang buhay niya na ito nang magkaroon siya ng problema sa kanyang ovaries. Meron din daw siyang PCOS (Polycystic ovary syndrome).
First time nga raw niyang naospital nang anim na araw o higit pa at ngayon lamang daw ito nangyari.
Lumaki raw nang lumaki ang tiyan niya nang magkatubig ito at nagmukha nga raw siyang limang buwang buntis. Hanggang sa nahirapan na raw siyang huminga.
Bukod sa kanyang sakit ay sa huling bahagi ng vlog niya ay nag-iwan siya ng mensahe sa mga basher ng kapatid na si Mona.
Malutong niyang minura ang mga basher ng kapatid dahil nang maranasan daw niyang magkasakit ay sumusuko na raw siya sa buhay pero mas matindi pa raw ang sakit na nararanasan ng kapatid niya tapos bina-bash pa ito. “Get a life. Napakapanget niyo kasi kaya kayo nangba-bash,” sey ni Ivana.
Nang pigilan siya ng kapatid ay sagot nito “Bakit? Nanggigil eh. Gusto ko talagang gawan ng video. Tapos i-repost niyo ‘to sa TikTok para makita ng mga hayop na basher na ‘yan. Kung gusto niyong mam-bash, sa akin na lang kayo mam-bash. Wala naman kasi kayong… ampanget niyo kasi!” dagdag pa nito.
Naging emosyonal nga si Mona sa mga sinabi ng kapatid.
Dagdag pa ni Ivana ay ang lala raw talaga ng mga basher. Napakapanget daw siguro talaga ng buhay ng mga ito para saktan ang mga taong gaya ni Mona na hindi raw biro ang pinagdaraanan. “I hope karma gets you,” mensahe pa niya sa bashers.
Iniintindi na lang daw ni Mona na baka may pinagdaraanan din ang mga basher kaya ganun ang mga ito.
Hindi nga ulit napigilang murahin ni Ivana ang mga basher sa galit at sinabing siya na lamang daw ang i-bash at huwag na ang kapatid.
Meron kasing type 1 diabetes ang dating child star at taong 2011 mula nang ma-diagnose ito. Nagkaroon siya ng near-death experience nang aksidenteng napasobra ang lagay niya ng insulin.
- Latest