Sanya at Jak, nagluluksa!
Nagluluksa ang magkapatid na Sanya Lopez at Jak Roberto dahil sa pagkawala ng kanilang pet dog na si Dani Boy.
Magkahiwalay na nag-post ang magkapatid ng kanilang tribute para sa kanilang furbaby na may litrato na kasama ito.
Sobrang sakit ang nararamdaman ng Pulang Araw actress dahil sa pagpanaw ng kanyang ‘little
Danaya boy.’
“Ang sakit palagi na mawawala nalang silang bigla. Yung di mo alam bakit.. yung akala mo na palagi lang silang nanjan para sayo. Pero bigla nalang wala na sila. Ang sakit sakit sobra,” bahagi ng caption niya sa kanyang tribute sa alaga.
Nagpasalamat siya sa pagmamahal na binigay ng kanyang pet sa kanila at sinabing mahal na mahal niya ito.
Hindi pala ito unang beses na mawalan sila ng furbaby dahil sinabi nitong makakapaglaro na ulit sina Dani Boy at isa pa nilang alaga na si Jong-jong.
Habang ang karelasyon naman ni Barbie Forteza ay hirap daw tanggapin ang nangyari.
Araw-araw daw itong nakaupo sa kanyang lap kapag nauupo ito. Kahit nga raw matagal niya itong hindi nahawakan at nakasama ay sobra niya itong kinalulungkot pero kailangan niya itong tanggapin kahit mahirap.
Mananatili raw sa puso nila ang pinaka-behave at clingy na aso nila.
Makikita sa post ng aktres ang ang funeral na hinanda nila para sa kanilang alaga kung saan napalilibutan ng bulaklak ang labi nito.
Inulan naman sila ng pakikiramay mula sa mga kaibigan at tagahanga.
Relate much siyempre ako dyan kaya nakikiramay ako kina Sanya at Jak.
- Latest