^

PSN Showbiz

KC, nahihiya ‘pag napagkakamalang bf si Gabby!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Kasama sa birthday greetings ni KC Concepcion sa ama niyang si Gabby Concepcion ang tsikang napagkakamalan daw na boyfriend niya si Gabby. “People abroad sometimes think he’s my boyfriend when they catch us talking on video call, nakakahiya! Hahah @concepciongabby.”

Anyway, talagang hinintay ng fans ang kanyang birthday greetings sa ama na : “It’s November, and that means celebrating the birth month of my sweet, kind, and guapo Papa love! I thank God everyday for our effortless bond, and the chance He gave us to be closer than ever as father-daughter. Always grateful for the parents God chose for me. I love you.”

Dahil positive ang post niya, in-expect mo na positive rin ang comments pero merong paladesisyon na nag-comment na hindi kasi tumatanda si Gabby, kaya magpa-slim daw si KC.

Kaya ipinaalala sa nag-comment na may PCOS ito at mahirap sa mga may ganitong kondisyon ang magpapayat.

And speaking of KC, napanood namin ang reels nito sa kanyang workout at ang hirap ng kanyang ginagawa. Very strict pa ang kanyang training coach at lahat ng kilos ay nakikita at kinu-call out si KC.

Miss u 2022 R’bonney, sa ‘pinas na titira

Hindi na yata babalik sa Amerika si Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel, nag-i-enjoy siya rito at tama ba kami na hindi siya sa condo nakatira habang nasa bansa siya. Sa bahay ng ama niya sa parte ng Manila kaya pati mga kaitbahay nito, minsan, nasasama sa kanyang reels at post.

Marami na rin siyang napuntahan, kamakailan lang, spotted siya sa Cartimar para bumili ng plants. Documented ang pagpunta niya at hindi lang pagbili ng plants ang ginawa dahil kumain din siya ng siomai at sisig sa food court. Nag-order din ito ng buko juice. “Gosh, they’re so cute. I wanna buy every­thing,” aniya sa kanyang reel.

May kasamang tawad ang pamimili niya ng halaman at tuwang-tuwa ito kapag nakakatawad.

Marian, tinapos ang intriga kay Nadine!

Titigilan na siguro ng netizens ang pamba-bash kay Nadine Samonte na gaya-gaya lang daw kay Marian Rivera sa pagko-collect ng Pop Mart dolls at pinag-aaway pa ang dalawa. Kahit nabanggit na ni Nadine na matagal na siyang nagko-collect ng Pop Mart dolls, ayaw paniwalaan ng bashers.

Anyway, niregaluhan ni Marian si Nadine ng Angel in Clouds at pinost ni Nadine ang unboxing niya rito.

Bago ang unboxing niya sa gift ni Marian, binanggit nitong ga­ling sa “very, very special friend of mine” at kahit daw hindi sila madalas nagkikita, the friendship remains na may message pa na “Here’s a little gift to celebrate your inner child.”

Sa kanyang caption, sabi ni Nadine, “Thank you @marianriverasuper sweet mo tlaga at tama ka maganda nga tlaga sya. Super appreciated it at salamat sa sinabi mo basta nagkakaintindihan tayo. Love you Yanyan salamat ng marami.”

Sumagot si Marian ng “Muah! Love love.”

Nag-agree si Pokwang sa sinabi ni Nadine patungkol kay Marian.

May nagpatotoo naman na si Nadine ang una niyang nakitaan ng Labubu bago si Marian, pero ang importante, masaya sila at iba pang Labubu collectors.

ACTOR

ACTRESS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with