^

PSN Showbiz

Marian, namimili agad ng mga panregalo

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Marian, namimili agad ng mga panregalo
Marian Rivera
STAR/File

Naghahanda na agad si Marian Rivera sa Pasko. Ang dami raw kasi niyang plano. Nag-iisip na rin daw kaagad siya ng mga ireregalo sa mga mahal niya sa buhay.

Kung sabagay, 48 days na lang before Christmas. At kilalang maka-pamilya ang actress.

Pero aniya hindi lang sarili niya ang iniisip niya. Sana raw lahat ay magkaroon din ng pagkakataong ipakita sa kanilang mga mahal sa buhay ang pagmamahal ngayong Pasko.

Kaya nga raw, swak ang kanyang endorsement. “So nakakatuwang isipin na si Home Credit Philippines (HCPH) talaga ay extend nang extend kung anong pwede nating itulong. Kaya nga very excited ako sa new campaign na ginawa namin this Christmas,” sabi ni Marian sa ginanap nitong contract renewal last week.

Ang sinasabi ng actress ay ang Great 0% Interest Festival ng Home Credit para sa malawak na hanay ng lifestyle at tech na mga produkto tulad ng mga laptop, mobile phone, tablet, at higit pa. Ganundin daw sa mga kasangkapan sa bahay at appliances din.

At ang panibagong partnership na ito kay Marian, na kilala sa kanyang kredibilidad at magandang takbo ng career ay umaayon umano sa pagnanais ng nasabing kumpanya para sa tiwala at sa pangako na maging kaalyado sa pananalapi ng mga Pilipino, ayon kay Sheila Paul, HCPH Chief Marketing Officer.

Samantala, tuloy pa rin ang showing ng Balota. Nasa ika-fourth week na ito sa kasalukuyan at ganun pa rin, ang dami pa ring nano­nood .

Kaya naman nagpasalamat si Marian sa mga patuloy na pumipila.

MARIAN RIVERA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with