^

PSN Showbiz

Walang time lumipat... Rhian, busy sa Sang’gre

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Walang time lumipat... Rhian, busy sa Sang’gre
Rhian Ramos
STAR/File

MANILA, Philippines — This Thursday na raw ang balik nina Sam Verzosa at Rhian Ramos from New York kung saan, sumali sila sa New York Marathon. Sa pagbabalik ni Sam, ang tsikang lilipat daw ang aktres sa ABS-CBN ang sasalubong sa kanya.

May tinanong kami sa kampo ni Rhian at nagulat sila sa balita na hindi nila alam kung saan at paano nagsimula. Tahimik lang daw si Rhian at nagtatrabaho lang, busy ito sa taping ng Encantadia The Last Chronicles: Sang’gre.

May ginagawa rin daw pelikula si Rhian, busy ito sa trabaho, kaya nagtaka ang aming kausap kung bakit may tsikang lipatan na lumabas.

Hopefully, kapag na-interview si Rhian kapag nakabalik na, matanong siya tungkol sa isyung ito. Siya lang ang makakasagot at makakapagbigay linaw sa isyung ito, totoo ba o fake news.

Sam YG, ‘di pinaniwalaan

Ang hula ng netizens, marketing strategy at promo ang pino-post ng mga celebrity na wedding invitation na may ikakasal na may initials na “K & B.”

Bukod kay Anne Curtis, nag-post din ng #BiggestWeddingOfTheYear sina Gabbi Garcia, Khalil Ramos, Maymay Entrata at Sam YG.

Ang caption ni SamYG, siya ang host, abay sina Gabbi at Khalil.

Nakasulat sa invitation ang “11.05.2024,” kahapon, may reels nang ipinalabas na may ikakasal, pero tumakbo ang bride. Bitin ang reels at walang naniwala sa paliwanag ni Sam YG, lahat nagsasabing campaign ad ito, marketing strategy.

Kaya abangan ang mga susunod na reels para malaman nating lahat kung ano ba itong #BiggestWeddingOfTheYear na ito.

RHIAN RAMOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with