^

PSN Showbiz

Jessy, nagsalita sa ‘di pagtulong nila Luis sa mga nabagyo!

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon
Jessy, nagsalita sa ‘di pagtulong nila Luis sa mga nabagyo!
Jessy Mendiola
STAR/File

MANILA, Philippines — May lumabas palang balita na hindi raw naghatid ng tulong sina Vilma Santos, anak na Luis at Ryan para sa biktima ng bagyong Kristine.

Pinatatamaan tuloy ang TV reporter na umano’y pinanggalingan ng balita. Hindi akalain ng netizens na ang isang legit reporter ay magpapalabas ng maling balita.

Isa sa umalma si Jessy Mendiola, asawa ni Luis. Nagkomento siya ng, “Day 1 pa lang, nandun na sina Momskie at Luis!” at sinamahan niya ng pictures ang pagtulong ng mag-ina sa Agoncillo, Batangas.

Sinabihan naman ng tila taga-Batangas na mag-fact check dahil kahit binagyo sila eh liligalin nila ito!

Nito namang nakaraang araw, pinamahalaan ni Luis ang pamimigay ng TUPAD na programa ng DOLE at talaga namang parang fans day ang nangyari dahil halos pinagbigyan ni Luis ang crowd para sa picture taking!

Billy, alive and kicking

Naglabas na pahayag ang Viva Artist Agency (VAA) kaugnay sa kumakalat na fake news na diumano ay namatay na si Billy Crawford!

Sa TikTok naglabasan ang videos sa pagkamatay ni Billy kaya naman sinopla ito ng VAA.

Galing daw sa Paris, France si Billy para sa isang show. May stories pa sa Instagram niya para sa behind the scenes ng show kung saan kasama niya ang ibang performers.

Ayon sa VAA, nandito sa bansa si Billy alive and kicking at malusog at napapanood pa sa The Voice Kids ng GMA.

JESSY MENDIOLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with