^

PSN Showbiz

Ibang treatment ang ginawa…Daiana, gumaling sa cancer!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Ibang treatment ang ginawa…Daiana, gumaling sa cancer!
Daiana Menezes

Totoong nakaka-cancer talaga ang sobrang stress, kaya umiiwas na rin sa stress at kanegahan ang Brazilian actress/TV host na si Daiana Menezes na na-diagnose rin pala ng cancer of the breast stage 2B noong 2018. Pero ngayon ay cancer-free na raw siya. Anim na taon na raw siyang cancer-free pagkatapos ng isang taong treatment.

Pero ibang treatment ang ginawa sa kanya, at hindi raw siya nagpa-chemotherapy.

“Actually, I stopped sa totoo lang. Kasi during treatment case nitong 2018 na nag-treatment ako, nagtatrabaho ako, pero hindi ako nagkuwento sa mga tao na dumaan ako sa cancer kasi I wanted to stay positive.

“E iba-iba kasi ang treatment na ginawa ko, bukod sa hospital treatments, I have a combined treatment with holistic treatment na kadalasan sinasabi ng iba, ‘ay that’s not gonna work. Dapat hospital na lang, chemotherapy na lang.’

“Anyway, I took a different route and nag-work po siya sa akin. Tinuloy ko na lang, and now ginagawa ko siyang mission na i-share ko siya sa lahat ng tao na gustong guma­ling. Okay na ako ngayon,” saad ni Daiana nang makapanayam namin sa launching ng bagong series ng WPS na nagsimula na sa DZRH TV kagabi.

May binanggit si Daiana na mga procedure na pinagdaanan niya kaya raw siya gumaling, kagaya ng Hyperthermia, Ozone therapy, Hyperbaric oxygen chamber, infrared sauna, at may cocktails pa raw na ginagawa sa IV niya hanggang ngayon.

Ex-mayor Maita Sanchez, nahirapan sa sakit

Halos gabi-gabi ay dinadagsa ng mga nakikiramay ang burol ng dating Pagsanjan Mayor Maita Sanchez o si Girlie Javier-Ejercito, ang tunay na pangalan.

Isinalaysay ng dating Laguna Governor ER Ejercito ang pinag­daanan ng kanyang asawa nang ma-diagnose ito ng cancer noong taong 2015.

“Ang analysis ng kanyang mga doktor sa St. Luke’s ay stress. Stress at saka minimal diet, but more on stress-related, kasi wala naman sa lahi ni Mayor Girlie ang cancer,” simulang salaysay ni ER nang makapanayam ito ng DZRH sa burol ni Maita sa kanilang ancestral house sa Pagsanjan noong Lunes ng gabi.

“It all started in 2014 nung ako ay illegally na tinanggal bilang elected governor ng lalawigan ng Laguna. Nag-manifest ‘yung kanyang breast cancer nung 2015, 2016. Tapos pinagamot ko siya nung 2017 sa St. Luke’s Medical Center, Quezon City.

“One year kami dun, kasi incumbent Mayor siya ng Pagsanjan, walang nakakaalam sa sakit niya, at tinago talaga namin ‘yun dahil she had to be physically fit as municipal mayor. Kaya one year ko siyang pinagamot sa St. Luke’s nung 2017, naging cancer-free na siya. Gumaling naman, at tuwang-tuwa kami, nakabalik siya bilang Mayor ng Pagsanjan,” saad ng actor/politician.

Naniniwala siyang naka-cancer talaga ang matinding stress dahil bumalik daw ang cancer ng kanyang asawa nung natalo ito nung nakaraang eleksyon.

“Tapos, nag-vice mayor din siya 2019 to 2022. Three years siyang vice mayor, then lumaban siyang mayor nung 2022, hindi naging maganda ‘yung resulta, na-stress na naman siya. Bumalik na naman ‘yung cancer, aggressive na.

“From breast cancer naging stage 4 endometrial cancer. So na-confine na naman siya sa St. Luke’s Medical Center, labas-masok kami 2023, 2024. Then, naka-attend pa siya sa graduation ng anak namin si Julia sa De La Salle University, naging Cum Laude. Um-attend kami sa graduation ni Julia. Naka-attend pa siya sa 9th birthday ng anak namin si Diego Ejercito. After that, na-confine na siya sa St. Luke’s nung July 2024, then hindi na kami nakalabas. July 2024,  hanggang sa namatay siya nung November. Kailangang tanggalin ang kanyang ovary, uterus and fallopian tube because of the very aggressive stage 4 endometrial cancer,” patuloy na kuwento ni ER Ejercito.

Naawa lang daw siya kay Maita dahil talagang nahirapan daw ito nang husto pagkatapos ng operation hanggang sa pumanaw.

 “Very painful ang death ni Mayora but nung Nov. 2 nung gabi ay naghihingalo na siya nakapikit. Pinipilit ko siyang gisingin, dahil nakapikit na siya at naghihingalo na. Nung dumilat siya nung 11:51 p.m., akala ko okay na siya. ‘Yun pala last look na niya at last breath. So she passed away ng 12:01 in the morning on Nov. 3, 2024.”

DAIANA MENEZES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with